Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

The Plight of Minority Groups in the Philippines, Exercises of Economic law

The diverse ethnic groups and indigenous peoples of the philippines, highlighting their unique cultures, traditions, and the challenges they face. It delves into the historical and contemporary issues surrounding the recognition, rights, and representation of these minority communities. The text examines the lack of access to basic services, the struggle to protect their ancestral domains, and the instances of discrimination and violence they have endured. The document also discusses the government's efforts to address these concerns, such as the indigenous peoples' rights act and the national commission on indigenous peoples. However, it suggests that more needs to be done to ensure the effective protection and empowerment of these marginalized groups. The document serves as a valuable resource for understanding the complex societal dynamics and the ongoing efforts to promote the inclusion and preservation of the philippines' diverse cultural heritage.

Typology: Exercises

2023/2024

Uploaded on 10/24/2024

shanthi_48
shanthi_48 🇺🇸

4.8

(36)

901 documents

1 / 2

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
The Plight of Minority Groups:
Indigenous Peoples
Sulyap sa Buhay ng Isang Minorya
Natatanging Pagkakakilanlan
Ang mga katutubo o minorities ay mga pangkat etniko na naninirahan sa
iba't ibang parte ng Pilipinas. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan at
mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa
gawi ng kanilang pamumuhay. Ayon sa datos ng United Nations Declaration
on the Rights of Indigenous Peoples, may tinatayang 14 hanggang 17
milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic, na
pangunahing nakatuon sa Mindanao (61%) at Hilagang Luzon (Cordillera
Administrative Region, 33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas.
Kabilang sa mga kilalang katutubong grupo sa Pilipinas ang mga Mansaka
ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro, Lumad ng Mindanao, mga Aeta
ng Sierra Madre, at Tau't Bato ng Palawan. Hindi maikakaila ang ambag ng
mga katutubo sa ating kultura at tradisyon, tulad ng sistema ng paglikha ng
mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces, mga ipinamanang kasuotan na
sumasalamin sa sinaunang kultura, at marami pang iba.
Pagsubok ngayon, Pagsubok pa rin Bukas?
Kasama sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang
lupaing ninuno (ancestral domains) at likas na yaman sa kamay ng mga
kapitalista at mga dayuhan. Ayon sa Human Rights Watch Organization,
marami ang nakasaksi sa pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga
Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng kapulisan sa protestang
ginanap ng mga katutubo. Idagdag pa dito ang pahayag ng mga katutubo
ukol sa pag-usbong ng mga corporate extractive industries na pumapasok sa
kanilang lupaing ninuno, tulad ng mga minahan, pagtotroso, quarrying,
proyektong pang-enerhiya, at iba pang malawakang plantasyon at
proyektong pangturismo na hindi angkop sa kanilang kultura.
Pamahalaan at Mga Panukalang Batas
Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act
8371 Indigenous People Rights Act, na naglalayong protektahan at
pangalagaan ang mga katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang
kabuhayan. Mayroon ding National Commission on Indigenous Peoples
(NCIP) na nagraraos ng National Indigenous Peoples Conference, isang
taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa mga minorities.
Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang katotohanan na kulang ang mga
ito upang masigurado ang epektibong tugon ng pamahalaan.
pf2

Partial preview of the text

Download The Plight of Minority Groups in the Philippines and more Exercises Economic law in PDF only on Docsity!

The Plight of Minority Groups:

Indigenous Peoples

Sulyap sa Buhay ng Isang Minorya

Natatanging Pagkakakilanlan

Ang mga katutubo o minorities ay mga pangkat etniko na naninirahan sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan at mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay. Ayon sa datos ng United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, may tinatayang 14 hanggang 17 milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic, na pangunahing nakatuon sa Mindanao (61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas.

Kabilang sa mga kilalang katutubong grupo sa Pilipinas ang mga Mansaka ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro, Lumad ng Mindanao, mga Aeta ng Sierra Madre, at Tau't Bato ng Palawan. Hindi maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon, tulad ng sistema ng paglikha ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces, mga ipinamanang kasuotan na sumasalamin sa sinaunang kultura, at marami pang iba.

Pagsubok ngayon, Pagsubok pa rin Bukas?

Kasama sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing ninuno (ancestral domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga dayuhan. Ayon sa Human Rights Watch Organization, marami ang nakasaksi sa pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng kapulisan sa protestang ginanap ng mga katutubo. Idagdag pa dito ang pahayag ng mga katutubo ukol sa pag-usbong ng mga corporate extractive industries na pumapasok sa kanilang lupaing ninuno, tulad ng mga minahan, pagtotroso, quarrying, proyektong pang-enerhiya, at iba pang malawakang plantasyon at proyektong pangturismo na hindi angkop sa kanilang kultura.

Pamahalaan at Mga Panukalang Batas

Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 Indigenous People Rights Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan. Mayroon ding National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na nagraraos ng National Indigenous Peoples Conference, isang taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa mga minorities. Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang katotohanan na kulang ang mga ito upang masigurado ang epektibong tugon ng pamahalaan.

Panitikan at Pagkilala sa Kalagayan ng Mga Minorya

Mas lalo pang umigting ang pagnanais ng mga nasa pangkat minorya na maipakilala ang kanilang sarili maging ang kanilang kultura at tradisyon kung kaya't sila'y naipasok na rin sa mundo ng panitikan. Isa lamang halimbawa nito ang tula ni Tatay Remo Fenis na nagsisiwalat ng mga sitwasyong nararanasan ngayon ng mga taong nabibilang sa mga pangkat minorya.

SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO YUNIT VI S O S Y E D A D A T L ITE R A TU R A CASTILLO, GEORGE P. P ahina I 73 Gabay sa Pagsusuri ng Akda 1. Kaugnayan sa Paksa (40%) - Ang akda ay may malalim na kaugnayan sa paksa at nakatuon sa mga isyung panlipunan na kinahaharap ng mga pangkat minorya. - Malinaw na ipinapakita ang mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng mga katutubo at ang mga sanhi at bunga nito. 2. Nilalaman (30%) - Ang akda ay may malinaw at maayos na pagkakaayos ng mga ideya. - Ang mga detalye at impormasyon ay nakatulong upang maunawaan ang sitwasyon ng mga pangkat minorya. - Ang mga halimbawa at ebidensya ay nakatulong upang suportahan ang mga argumento. 3. Istilo (20%) - Ang akda ay may malinaw at angkop na gamit ng wika. - Ang pagkakaayos ng mga talata at pangungusap ay maayos at madaling maunawaan. - Ang akda ay may angkop na tono at anyo na naaangkop sa paksa. 4. Paraan ng Pagpapahayag (15%) - Ang akda ay may malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga ideya. - Ang mga argumento at paliwanag ay malinaw at madaling maunawaan. - Ang akda ay may angkop na gamit ng mga retorikal na kagamitan upang mapalakas ang pagpapahayag.