
























Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
It is about the social studies curriculum and student's should learn while in their school and this lesson teach how teacher deliberate their knowledge to students
Typology: Study notes
1 / 32
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa pag- unawa sa antas ng ugnayan nito sa ibang bansa? Paano nakatutulong o nagiging balakid ang ating lokasyon sa mga isyung pandaigdig na kinasasangkutan ng ating bansa?
Sa pamamagitan ng globo o mapa maaring mabatid ang tiyak (absolute) at relatibong lokasyon ng bansa. Ang globo at mapa ay representasyon ng mundo at ng iba’t ibang kontinente o bansang bumubuo nito.Mahalagang tandaan na sa paggamit ng mga nasabing instrument, kailangang isaalang -alang din ang paghahati rito sa pagitan ng Northern Hemisphere at Souther n Hemisphere. Samantala , ang mga grid ay mga likhang-isip na guhit sa globo o mapa na tumutukoy sa lokasyon.Ang bawat guhit ay may bilang o digri na ginagamit na panukat ng layo ng isang lugar. Parallel o latitud ang tawag sa guhit na nagmumula sa hilaga patungong timog. Isang halimbawa nito ay ang ekwador, ito ang tawag sa guhit n humahati sa mundo sa Northern Hemisphere at Southern Hemisphere. Matatagpuan ang ekwador sa digring zero ( 0° ). Samakatuwid , ang Northern Hemisphere ay bahagi ng mundo sa pagitan ng North Pole at ng equator samantalang ang Southeren Hemisphere naman ay ang bahagi ng mundo sa pagitan ng South Pole at ng equator. Matatagpuan sa Greenwich,Great Britain ang panimulang guhit longitud na kung tawagin ay prime meridian, ito at nasa O.Ang longitud o meridians ay ang angular na distansiya ng isang lugar na nasa silangan o kanlurang bahagi ng prime meridian. Samantalang , matatagpuan naman ang katapat na guhit nito sa kalagitnaan ng Pacific Ocean na tinatawag na International Date Line ( IDL) na nasa 180°.Kinakailang ding isulat ang S sa silangan o K para sa Kanluran pagkatapos ng digri longitude upang matiyak ang direksiyon nito mula sa Prime Meridian. Halimbawa: 23°S o 75° K Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga grid sag lobo at mapa. Mababatid ang absolute na lokasyon ng isang lugar. Ang Pilipinas ay matatagouan sa pagitan ng 4° hanggang 21 ° H latitude at 116° hanggang 127 ° S Longitud. Bukod sa tiyak na lokasyon, may iba pang paraan upang matukoy ang relatibong lokasyon ng isang lugar.Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga palatandaang makikita sa paligid nito. Sa pagbibigay ng relatibong lokasyon ng Pilipinas ay palatandaan ang mga bansang malapit ditto.Halimbawa, malapit ito sa katimugan ng Taiwan o di kaya naman ay nasa timog silangang bahagi ng Tsina o nasa silangang bahagi ng mga bansang Vietnam Laos o Cambodia. Maaring ding gamitin ang mga anyong-tubigsa pagbibigay ng relatibong lokasyon ng Pilipinas sapagkat ang bansa ay napalilibutan ng mga dagat at karagatan. Ang bansa ay nasa Timog at silangang bahagi ng West Philippine Sea.Ang dulong timog na bahagi naman ng bansa ay nappalibutan ng Celebes Sea at Sulu Sea.
Maituturing ang Pilipinas bilang isang archipelago sapagkat binubuo ito ng mahigit na 7,100 pulo kung saan tatlo sa pangunahing kapuluan ay ang Luzon, Visayas, at Mindano.May haba ang Pilipinas mula sa hilaga patungong timog ng 1,840 kilometro at pulo ay napaplibutan at napahihiwalay ng katubigan. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo 1: “ Ang bansang teriroryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nkapaloob ditto at lahat ng iba pang mga teritoryo nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawid nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa,ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito.Ang mga karagatang nakapaligid, nkapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensiyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. BATAY SA KASAYSAYAN Ang teritoryo ng Pilipianas Ang kasunduan sa Paris ang unang dokumento na nagtatakda at naglalalrawan ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Kasunduan sa Paris Ang pamamahala sa teritoryo ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa Estados Unidos.Nilagdaan ng Kasunduan noong Disyembre 10, 1898. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos Ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, Subutu at ibang maliliit na pulo na kabilang sa kapuluan ng Sulu na nakaligtaan sa kasunduan sa Paris ay isinama sa teritoryo ng Pilipinas.Ang kasunduan ay nilagdaan ng Washintong noong 1900. Kasunduan ng Estados Unidos at Britanya Kinilala sa kasunduan na bahagi ng kapuluan ng Pilipinas ang Turtle Islands ay Mangsee Islands na nasa pagitan ng Borneo at Sulu. Nilagdaan ito noong Enero 2,
Ang konstitusyon ng 1935 Naging bahagi ng Pilipinas ang mga pulo ng Batanes dahil sa paninirahan at pagmamay-ari ng mga mamamayang Pilipino sa mga pulong ito. Ang konstitusyon ng 1978 at 1987 Nakalahad ditto na ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang lahat ng mga puloat tubig na saklaw nito,ang mga tubig na
nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan maging anuman ang lapad at laki ng mga ito. AYON SA UNITED NATIONS CONVENTIONS ON THE LAW OF THE SEA O UNCLOS.Ang kasunduang pinirmahan ng 130 bansa sa Jamaica noong Disyembre 10, 1982
1. Pagkilala sa Doktrinang Pangkapuluan o ay **Archipelagic Doctrine
1.Pag-usbong ng Liberal na Ideya
**nakatakas patungong Morong at mula rito nagtungo sa Biak-na- Bato. KASUNDUAN SA Biak- na -Bato Panig ng nga Pilipino ( Emilio Aguinaldo) *Sekularisasyon ng mga parokya at pagtatanggal sa mga organisasyon ng mga paring Espanyol *Pagtatalaga ng mga Pilipinong kinatawan sa pamahalaan *pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas
Noong ika-19 na siglo , ang Estados Unidos ang pinaka makapangyarihang bansa sa mundo sa larangan ng industriya at kalakalan.Nakipagtunggali ito sa ibang bansa sa Europa sa pananakop ng mga bansa upang magkaroon ng mapagkukunan ng yaman at bentahan ng kanilang kalakal. Noong panahong yon , nagsimulang maghimagsik ang ibang nasakop ng Espanya.Sinamantala ito g Estados Unidos.Katulad ng Pilipinas ang Cuba ay nasakop din ng Espanya na gusting ring maging malaya.Dahil nais ng mga Amerikano na mapangalagaan ang kanilang puhunan sa Cuba , kanila itong tinulungan sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. Pebrero 15,1898, sumabog at lumubog ang barkong pandigmang Maine ng Estados Unidos sa daungan ng Havana,Cuba.Pinagbintangan ng mga Amerikano ang mga Espanyol sa nangyari kahit hindi nalaman ang dahilan at kung sino ang may kagagawan bito.Nagdeklar ng giyera ang Estados Unidos laban sa Espanya noong Abril 25,1898. Pag himok sa Pagbalik ni Aguinaldo Abril 21,1898, dumating ang hukbong dagat ng Amerika as Hongkong sa pamumuno ni Commodore George Dewey , inatasan siyang pumunta sa Pilipinas at labanan ang mga Espanyol.Pinadalhan ni Dewey si Spencer Prat, consul ng Amerika sa Singapore ng telegrama na himukin si Aguinlado na magbalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang himagsikan laban sa mga Espanyol. Paglusob ng mga Amerikano sa Maynila May 1, 1898, dumating iskwadron ng Amerikanong si Commodore George Dewey sa Manila Bay, Nag umpisa ang labanan ng 5:41 ng umaga.Binomba ang mga makabagong barko ng Espanyol.Natalo ang mga Espanyol at sumuko ng 12:30 ng hapon. Tinatayang 67 ang namatay at 214 ang nasugatan sa panig ng Espanyol at walang namatay o nasugatan sa panig ng mga Amerikano. Ang pagbabalik ng Aguinaldo Nakabalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898 sa pag aakalang walang masamang hangad ang mga Amerikano na sakupin ang ating bansa. Nakipagtulungan siya kina Dewey na himukin ang mga katutubo na tulungan ang mga Amerikano sa pakikipaglaban sa mga Espanyol, halos nagapi nila ang mga ito. Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal upang maisakatuparan nang mabilisan ang mga dapat gawin. Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Bansa Kahit pa nasupil ang mga Espanyol sa ibang panig ng bansa ,ipinag utos n ani Aguinlado ang kasarinlan ng Pilipinas sa kabila ng pagutol ni Apolinario Mabini.Noong Hunyo 12, 1898.ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipnas sa Kawit, Cavite.Sa pagkakataong ito, itinaas ang pambansang bandila ng Pilipinas na ginawa ni Marcela Agoncillo, kasma sina Lorenza Agoncillo at Josefina Herbosa Natividad.Itinaas ito habang tinutugtog ang “ Marcha National Filipina” Nag uumapaw sa galak ang mga Pilipino sa araw na iyo. “Marcha National Filipina ” – ay tugtuging Pambansa na nilikha ni Julian Felipe. Nilapatan naman ng titik ni Jose Palma.Nang lumaon, ito ay tinawag na “ Lupang Hinirang” at ginawang pambansang awit ng Pilipinas. Ang Pamahalaang Rebolusyonaryo Hunyo 23, 1898, sa tulong ni Apolinario Mabini , na kilala bilang “ Utak ng Himagsikan”. Itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo bilang kapalit ng Pamahalaang Diktatoryal .Layunin ng pamahalaang ito na magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas hanggang sa ito ay kilalanin ng iba pang mga bansa.Itinadhana rin sa kautusan ni Aquinaldo noong Hunyo 23 ang pagkakaroon ng Kongreso. Pagkukunwaring labanan ng mga Amerikano at Espanyol (Mock Battle of Manila) Agosto 9,1898 nagbigay ng huling babala ang mga Amerikano sa mga Espanyol.Ipinaabot kay Gobernador-Heneral Jaudenes ang malinaw na mensahi ni Admiral Dewey na ang hindi pagsunod ay nangangahulugan ng kamatayan para sa natirang pwersa ng Espanyol sa Manila. Nakaisip ng paraan si Jaudenes kung paano sila susuko nang hindi tuluyang masisira ang dangal ng kaharian ng Espanya. Kalkulado ang bawat hakbang at planado ang bawat galaw ng mga “tauhan” sa animoy isang dula na Battle of Manila na mas kilala sa tawag na Mock Battle of Manila .Kung saan palalabasin na natalo at sumuko ang mga Espanyol sa Amerikano. Nang magtangkang pumasok ang mga Pilipino sa Maynila, sila ay binalaan ni Heneral Anderson at kung magpupumilit oumasok papuputukan sila ng mga Amerikano.Nagalit ang mga Pilipino dahil hindi sila pinayagang pumasok dito at pagkatapos ng pagsuko ng lungsod.Ito sa simula ng di-pagkakasundo ng mga Pilipino at Amerikano.Lumabas ang tunay na dahilan ng pagpunta ng mga Amerikano sa Pilipinas.Ito ay upang sakupin at gamitin ang Pilipinas para sa sariling kapakanan lamang. Ang Kongreso ng Malolos Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga kinatawang halal ng mga lalawigan.Noong Septyembre 15, 1898 , pinasinayaan ang kongreso ng Malolos .Ang mga kinatawan ay mga 85 mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan, matalino,at maykaya sa buhay.Sila ay nagpulong sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos.Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon , ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng Saligang Batas.Ang Saligang Batas ng Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko. Itinatag ang Konstitusyon ang isang malayang Republika ng Pilipinas.Pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas noong
Heneral Artemio Ricarte
Yunit 19 Ang Pamamahala nina Estrada , Arroyo, at Aquino III PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA Si Joseph Ejercito Estrada ay dating tanyag na artista na kilala sa bansag na “ Erap “ Malaki ang naitulong ng kanyang papularidad sa eleksiyon noong 1998. Sa buong kasaysayan ng eleksiyon ng Pilipinas siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto.Alkalde siya ng bayan ng San Juan noong panahon ng administrasyong Marcos.Naging senador din siya bago kumandidato bilang pangulo. Sa kanyang inagurasyon bilang pangulo, inilahad niya ang kanyang programang “Erap Para sa Mahirap “ na may layuning “ mapabuti ang pamumuhay ng bawat Pilipino, mayaman man o mahirap.” ERAP PARA SA MAHIRAP Si Pangulong Estrada ay nagsilbi bilang pangulo mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Sa loobng maikling panahon , naisagawa niya ang ilang programa at proyekto. Programa para sa mahihirap. *Programang tinaguriang “Agrikulturang Makamasa”- inilunsad upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda. Kabilang dito ang Binhian sa lalawigan , Niyugan Tugon sa Kahirapan, Balikatan Sagip Patubig, at Sagip Sugpo. *Programang Lingap Para sa Mahirap- isandaang pamiya mula sa mahihirap na mga probinsiya at lungsod ang tinulungan sa pabahay,tubig,gamot , pagkain , at hanapbuhay. *Upang makabili ng murang bigas asukal, kape at mga pangunahing pagkain, nagtinda ang mga sasakyan ng pamahalaan na umiikot sa mga siyudad sa ilalim ng programang ERAP ( Enhanced Retail Access for the Poor ) *Ilang proyektong pabahay ang ipinatayo para sa mahihirap na mga tagalungsod at pulis , at pati mga biktima ng lahar sa Pampanga. *Para sa kalusugan , inilunsad ang Sustansiya para sa Masa, Muling Buksan ang Puso , at Garantisadong Pambata. Programa Para sa kaayusan at Kapayapaan.
Tumagal lamang siya ng halos tatlong taon.Bumaba ang kalagayan ng ekonomiya dahil sa kaawalan ng kumpiyansa ng mga namumuhunan.Ang kakulanagn sa pondo ng pamahalaan noong 1998 na PHP 48 milyon ay umabot ng PHP 100 bilyon noong 1999.Lumabas din ang d kanai-nais na pangyayari sa kanyang personal na buhay at sa kanyang ari-arian. Nagsama-sama ang mga mamamayan sa pangunguna ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL) , isang koalisyon ng mga relihiyoso, aktibo sa gawaing sibiko, mangangalakal at iba pa upang hingin ang kanyang pagbibitiw sa puwesto. Oktubre 16,2000 inakusahan siya ng kaiabigang Congressman Luis “Chavit”Singson na tumanggap ng suhol mula sa jueteng at tumggap din daw ang pangulo ng “kickback”o bahagi ng excise tax ng tabako.Sa pagkaktaong ito nasubukan ang Artikulo XI ng Saligang Batas ng Pilipina ,ang impeachment.Ang impeachment ay prosesong panghukuman na magagamit upang mapaalis sa puwesto ang isang mataas na pinuno ng pamahalaan dahil sa tiwaling asal o malubhang kasalanan. PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO Sa EDSA,kaagad nanumpa bilang pangulo si Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo upang punan ang bakanteng puwesto ng pangulo sa araw na bumaba sa puwesto ng pangulo sa Araw na bumaba sa puwesto si Pangulong Estrada.Katungkulan niya ito bilang pangalawang pangulo ng bansa. Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal.Nakapagsilbi siya sa pamahalaan bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan ng Pagpapaunlad Panlipunan ( Department of Social Welfare and Development 0 DSWD) at senador bago naiboto bilang pangalawang pangulo. Noong Abril 2000.nagmartsa ang mga tagasunod ni Pnagulong Estrada patungong Malacanang bilang protesta sa pagpapaaresto ng Sandiganbayan kay Estrada.Nagkagulo sa harap ng Malacanang.Kinakailangang magdeklara ng State of rebellion ang pangulo upang mapigilan ang tinatawag na EDSA III. Noong naming Hulyo 27, 2003, ilang sundalo ng sandatahang lakas ang nagmartsa sa Makati sa Oakwood Premier Hotel. Nais daw nilang ihayag ang “korupsiyon ng pamahalaang Arroyo at ang balak na magdeklara ng batas military.” Ang pangyayaring ito ay tinawag na Oakwood Mutiny. Ang sumusunod na mga solusyonsa mga kasalukuyang problema.
1. Ang Solid Waste Management Act o RA 9003- nagaatas sa mga lokal na pamahalaan na pangasiwaan ang basura sa kanilang **nasasakupan.
No.1081 .Ngunit inihayag lamang ito sa buong bansa sa pammagitan ng radyo at telebisyon noong gabi ng Setyembre 23, 1972. Inilagay ang buong bansa sa ilalim ng batas military. Ipinadampot ang mga kalaban sa politika – mga senador na sina Benigno Aquino Jr, Jose W. Diokno ,Ramon Mitra Jr., at Sergio Osmena Jr,. mga kolumnista sa pahayagan at komentarista sa radyo at telebisyon na tumutuligsa sa pamahalaan at mga lider ng militanteng grupo. Ang mga taong dinakip ay ikinulong sa piitan.Bago nagdeklara ng batas military, nasuspinde na ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Sa normal na sitwasyon, ito ang nag aatas sa taong dumakip na iaharap ang taong ikinulong sa harap ng husgado.Kapag ito ay sinuspinde, hindi siya mapipilit at maaring ikulong ang tao nang walang takdang haba ng panahon hangga’t epektibo ang suspensiyon. MGA PATAKARAN SA ILALIM NG BATAS MILITAR Nagtakda ang Pangulo ng mga patakarang dapat sundin ng mga mamamayan. Ang mga it ay tinaguriang General Order at Letter ng Instruction sa ilalim ng batas militar. General Order No. 1 : Ang pangulo ang mamamhala sa bansa at magtatakda kung paano gagalaw ang pamahalaan at lahat ng mga ahensiya nito bilang pinakamataas na pinuno ng sandatahang-lakas. General Order No. 2: Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa ay may karapatan dakpin o ipadakip ang mgataong nasa listahan at ikulong sila hanggang hindi pinayagang makalaya ng pangulo o ng kanyang inatasang kinatawan. General Order No. 3 : Lahat ng ahensiya, departamento, at opisina sa ilalim ng sangay ehekutibo at ng pambansang pamahalaan ay patuloy na iiral sa ilalim ng mga kasalukuyang opisyal at mga empleyado . General Order No. 4 : Ipapatupad ang curfew sa buong bansa mula alas dose- ng gabi hanggang ikaapat ng umaga. General Order no 5 : Ipinagbabawal ang lahat ng rali at demonstrasyon at iba pang gawaing pangkatan, kagaya ng mga piket, at strike, sa mga industriya at mga kompanyang gumagawa ng mga pangunahing panganagailangan, mga bangko , ospital, at paaralan. General Order No. 6 : Ipinagbabawal ang pagtatago, pag- aari, at pagdadala ng baril sa labas ng bahay kung walang pahintulot ng mga awtoridad. MGA NAGAWA NG PAMAHALAANG MARCOS SA PANAHON NG BATAS MILITAR
10,000 pamilya ang biktima ng paglabag sa karapatang -pantao. MGA ARAL SA BATAS MILITAR Ayon kay Teofisto Guingona, dating bise president at sendor, “Hindi natin dapat kalimutan ang panahon ng batas military.Dapat nating ipaalam ito sa mga susunod na henerasyon upang hindi nila makalimutan ang mga bayani, ang mga taong piniling lumaban para sa karaniwang mamamayan at para sa bansa..” “ Never again to martial law” ito ang sigaw ng mga biktima ng batas military.
Aquino Jr. Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik sa Pilipinas. Lumala ang kondisyon ng bansa at napabalitang Malala na ang sakit ni Pang. Marcos.Kapag namatay ang pangulo, wlang tiyak na papalit at hawak na ng unang Ginang ang kapangyarihan. Gamit ang pangalang Marcial Bonifacio, bumalik si Benigno Aquino Jr. sa bansa noong Agosto 21, 1983.Nang lumapag ang eroplana sa Manila International Airport , umakyat ang mga sundalo upang kunin siya at dalhin sa kulungan.Ngunit habang bumababa sila sa hagdan may putok ng baril na narinig.Nakita na lamag nila si Benigno Aquino Jr. na bumulagta ay may tama ng baril sa batok na tumagos sa ulo.Katabi niya ang isang lalaki, si Rolando Galman , na siyang itinuturong pumatay sa kanya. Dahil sa pangyayari inaraw-araw ng mga tao ang rali at demonstrasyonna may temang “ Ninoy, Hindi ka Nag iisa” at “ Ituloy ang Laban ni Ninoy”. Naging balita ito sa buong mundo ,napasama ang imahe ng ating bansa kaya napilitan si Pangulong Ronald Reagan ng US na itigil ang pagsuporta sa pamahalaang Marcos. Ang Krisis sa Ekonomiya at Ang Hamon kay Marcos Malaki ang epekto ng nangyari kay Aquino sa ekonomiya ng bansa.Dahil sa kaguluhan at tuminding krisis sa pamahalaan, natakot ang mga dayuhang namumuhunan.Ang ilan ay tuluyang umalis sa bansa.Tumigil din ang mga turista sa pagbisita sa bansa. Snap Election Upang makuhang muli ang tiwala ng US at ipakita sa buong mundo na taglay pa rin niya ang tiwala ng mga Pilipino, nagpasiya siyang tumawag ng snap election. A snap election ay isang eleksiyong was a panahong itinakda ng batas. Noong Nobyembre 23,1985, inanunsiyo ni Marcos na mgakakaroon ng eleksiyon sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa Pebrero 7,1986. Tiwala siyang mananalo dahil wla na ang malakas na kandidato ng oposisyon, si Sen Benigno Aquino Jr. Si Marcos ang kandidato ng Partido Kilusang Bagong Lipunan at si Senador Arturo Toeltino ang kanyang bise. Nagsama sama ang laban kay Marcos ,binuo ang United Nationalist Democratic Organization ( UNIDO). Napagkasunduan nilang kumbinsihin si Ginang Corazon “ Cory” Aquino, asawa mi Ninoy na patakbuhin laban kay Pang. Marcos. Ipinakilala sa mga tao ang kandidato ng oppossiyong UNIDO – si Cory Aquino sa pagkapangulo at Salvador “Doy” Laurel para sa pangalawang pangulo.Sa malawakang kampanya, ginamit na simbolo ang dilaw na kulay, ang kulay na ginamit para kay Ninoy Aquino noong sinalubong siya sa paliparan at sa kanayang libing. Sa pagnanais na maging malinis at kapani- paniwalang eleksiyon.Binuo ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa pamumuno ni Jose Conception.Kinilala ito ng COMELEC bilang kinatawan ng mamamayan na magbabantay sa leksiyon sa pagbilang ng boto kasabay ng COMELEC. Maging ang simbahang Katoliko ng labas ng pastoral letter sa pamumuno no Jaime Cardinal Sin, Arsobispo ng Manila , ngpapaalala sa mga botante sa kahalagahan ng pagboto nang tapat at ayon sa konsiyensiya. Ang eleksiyon ng Pebrero 7, 1986, masusing binantayan ng mga tao, ng midya sa loob at sa labas ng bansa , at ng NAMFREL. Pebrero 15, 1986, nang itigil ang pagbibilang ng boto sa PICC ( Philippine International Convention Center) Tumanggi ang mga computer programmer sa PICC na ipagpatuloy ang pagbibilang , Ayon sa kanila ang mga bilang na ipinakikita sa tally board sa labas ng PICC ay kaiba sa bilang na nasa kanilang computer. Dinala ang mga ballot Box sa Batasang Pambansa, ang mga congressman ang nagpatuloy sa pagbibilang. Sa araw din iyon, idineklarang Batasan na sina Marcos at Tolention ang nanalo. Samantalang sa Quick Count ng NAMFREL ang nanalo ay sina Cory at Doy. Pebrero 16, 1986.Nangyari ang malaking pagtitipon sa Luneta sa pangunguna nina Corty Aquino at Doy Laurel. Milyon milyong tao ang dumalo sa raling tinawag na “ Tagumpay ng Bayan.” Dito inihayag ni Cpry Aquino ang isasagawang prpotesta, ang Civil Disobedience Campaign .hinikayat ang mga tao na I boycott o huwag suportahan ang mga pahayagan , radyo , telebisyon, bangko at negosyo nap ag aari ni Marcos upang ito ay malugi. EDSA REVOLUTION I O PEOPLE POWER REVOLUTION Bago ideklara ang Batas Militar, mayroon nang grupo sa military na nais magsimula ng mga pagbabago sa sandatahang lakas. Nagbigay sila ng mungkahi sa pamunuan ngunit hindi sila pinansin ng pinakamataas na pinuno na si Heneral Fabian Ver. Nakilala ang grupo sa pangalang Reform the Armed Forces Movement (RAM). Isa sa mga namumuno nito si Koronel Gregorio Honasan , ang punong security officer ng Kalihom ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Dahil sa pangyayari sa eleksiyon nagplano ang RAM na lusubin ang Malacanang at agawin ang kapangyarihan kay Pangulong Marcos. Ngunit natuklasan ang plano bago ito naisagawa, nahuli ang ilan sa nga kasama sa nagplano. Noong Pebrero 22, 1986, upang hindi madakip , nagkanlong ang mga miyembro ng RAM sa opisina ni Enrile sa Camp Aquinaldo sa Quezon City. Mula roon, tinawagan ni Enrile si Heneral Fidel V. Ramos na nasa kanayang opisina naman sa Camp Crame, ang punong himpilan ng Philippine Constabulary, sa kabila ng Epifanio De Los Santos o EDSA. Si Heneral Ramos ay pinsan ni Pang. Marcos ngunit hindi rin ito sang-ayon sa mga Gawain ni pangulo. Sa ganap na ikaanim ng gabi nag anunsiyo ang dalawa ng pagbibitiw nila sa pamahalaan at iniurong ang suporta kay Pangulong Marcos.Tinawagn ni Enrile si Cardinal Sin. Mula sa radyo Veritas , istasyon ng radyo ng katoliko , nanawagan si Cardinal Sin sa mga tao na tulungan ang dalawa. Nagsidatingan ang mga to sa EDSA at iba ay ngdala ng pagkain at iba pang kailangan ng dalawang pinuno at ng mga sundalong kasama nila. Nalaman ng buong bansa ang nangyari at lalong dumami ang mga tao sa EDSA. Binarahan nila ang mga puwedeng daanan ng mga tropa ng gobyerno na pagpunta sa dalawang kampo.
Sinira ng sundalong ng pamahalaan ang transmitter tower sa Malolos,Bulacan ngunit nagawan agad ng paraan ng emergency transmitterang estasyon.Sina June Keitley at Angelo Castro Jr. ang nagsasalitan sa pagbabalita at pagtawag ng tao. Habang pinasusuko ni Pang. Marcos ang dalwang pinuno , lalong dumami ang mga tao sa EDSA at binarahan ang daanan ng mga tropa ng pamahalaan na maaring manggaling sa Fort Bonifacio at kampo.Kaya nang dumating nga tangke papunta sa kampo , hindi na nakausad dahil sa dami ng tao.Nagkapit -bisig ang mga tao habang inaawit ang pambansang awit.Sa halip na padaanin, ang mga sundalo ay binigyan ng mga bulaklak at rosary.Pinakiusapan na sumama na sa kabilang panig at iwanan ang pamahalaang Marcos.Sa bandang huli, umalis ang mga tangke nang hindi nakapapaputok. Nang makuha ng ng mga sundalong panig kay Enrile at Ramos ang mga estasyon ng telebisyon, ang channel 4 at channel 7, tuluyan nang iniwan ng mga kapanalig na sundalo si Pangulong Marcos. Tanghaling tapat ng Pebrero 25,1986, nang pormal na manumpa sina Pangulong Corazon Aquino at Pangalawang Pangulo Salvador Laurel sa harap ni Hukom Claudio Teehankee ng Korte Suprema. Si Heneral Fidel V. Ramos ang ginawang pinaka mataas na pinuno Cchief of staff ) ng Sandatahang Lakas ng bagong pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino. Sa Malacanang , nanumpa rin sina Pangulong Marcos at pangalawang Pangulong Tolentino.Ngunit ikasiyam ng gabi nang araw diny iyon nang sunduin ng apat na helicopter ang pamilya Marcos at mga kapanig upang dalhinsa Clark Air Base sa Pampanga.Mula roon, inlipad sila sa Hawaii kung saan nanatili ang pamilya Marcos hanggang sa mamatay ang pangulo noong Setyembre 28, 1989. And EDSA Revolution o People Power Revolution ay nagpahanga sa buong mundo. Ito ang kaisa-isang bansa sa mundo na nagpatalsik ng pangulo sa mapayapa at hindi madugong paraan. Si Panngulong Corazon Aquino ay kinilala ng Times Magazine bilang Woman of the Year (1986) .Nominado para sa Nobel Peace Prize. Noong 1998, ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for International Understanding. Aralin 18 : Pagbalik ng Demokrasya sa Pamumun nina Pangulong Aquino at Pangulong Ramos Si Pangulong Corazon Aquino ay dating nakasuporta lamang sa politikong asawa na si Senador Benigno Aquino Jr. Hindi niya inakala na isang araw siya ang hahawak ng pinakamataas na puwesto sa pamahalaan.Ngunit dahil sa tawag ng mamamayan at kagustuhang maibalik ang demokratikong pamamaraan ng pamamahala, pumayag na rin siya. FREEDOM OF CONSTITUTION Ang unang ginawa ni Pang. Aquino ay buoin ang Proklamasyon Bilang 3 noong 1986 na magtatatag ng isang bagong konstitusyon. Sa pammaagitan nito, pinawalang-bisa niya ang Saligang Batas ng 1973 na ginawa noong panahon ng batas military at nagtakda ng pansamantalang konstitusyon na tinawag na Freedom of Constitution .Ang Freedom of Constitustion ang nagtakda ng pagtawag sa isang kumbensiyong konstitusyonal na gagawa ng bagong konstitusyon. Magsisimula ang paggawa ng bagong konstitusyon nang hindi lalagpas sa dalawang buwan mula sa maideklara si Aquino bilang pangulo. SALIGANG BATAS NG 1987 Pumili si Pangulong Aquino ng 48 na delegado mula sa ibat ibang sector sa lipunan na siyang bumuo ng kumbensiyong konstitusyonal.Mga kilala sa larangan ng batas, hukom ng korte Suprema , abogadong nagtuturo sa mga unibersidad, ekonomista,lider ng pamahalaan, ilang Muslim , isang pari at isang madre. Sa pamumuno ng dating Hukom ng Korte Soprema na si Cecilia Munoz-Palma, nagsimula ang kumbensiyon noong Abril 1986, inabot ng anim na buwan ang paggawa ng bagong konstitusyon. Noong Oktubre 12, 1986, isinumite ang kopya nito sa pangulo.Noong Pebrero 2, 1987, isang Plebisito ang idinaos kung saan inaprobahan ng mga mamamayan ang Saligang Batas ng 1987. Sa Saligang Batas na ito, siniguro ng mga gumawa na hindi na mauulit ang batas military.Ginawa rin nilang malinaw ang mga karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan upang maiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan ng mamamahala.Mayroon bahagi ukol sa katarungang panlipunan at mga karapatang-pantao.May mga patakaran ukol sa manggagawa, reporma sa lupa,pabahay,kalusugan, kababaihan, organisasyon ng mga mamamayan, katutubong pangkat-etniko, at pamilya. PAGBABALIK NG DEMOKRATIKONG PAMAHALAAN Demokratiko ang anyo ng pamahalaan na itinakda ng saligang Batas ng 1987.Ibinalik ng pamahalaang aquino ang anyo n pamahalaan bago ideklara ang batas military.Upang tuluyang maibalik ang mga prosesong demokratiko, idinaos ang isang eleksiyon para sa mga sendor at kinatawan o congressman ng bawat distrito noong Mayo 1987. Naibalik sa Kongreso ang paggawa ng batas.Sumunod ang leksiyon ng pamunuang lokal ng mga probinsiyam bayan,at lungsod noong Enero 1988.Noong Marso 1988 bumoto ang mga mamamayan ng mga pamunuan ng mga barangay.
Integrated Delivery of Social Services ( CIDSS).Pumili ng 19 na pinakamahihirap na probinsiya , tinutukan ang klusugan, tirahan,edukasyon at haapbuhay at sanayin ang kakayahan ng mga to sa pakikisali sa demokratikong pamumuhay.
4. Programa sa kaayusan at katahimikan Upang masugpo ang kriminalidad , itinatag ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC ) na pinamumunuan ng pangalawang pangulo na si Joseph Estrada.Noong 1996, ginawa ang Death Penalty Law na nagbigay -nagpahintulot sa paggamit ng lethal injection para sa mga criminal na nagkasala ng pagpatay, pagtutulak ng bawal na droga, panggagahasa at mga kasimbigat na kaso. Itinuloy ang usapang pangkapayapaan nabuo sa mga Muslim ang Southern Philippine Council for Peace and Development (SPCPD ) sa pamumuno ni Nur Misuari. Ang Anti-Subversion Law ay pinawalang-bisa. Binigyan ng amnestiya ang mga nasa CPP-NPA-NDF. Bumalik sa tahimik na buhay si Bernabe “ Kumander Dante “ Buscayno. 5. Programa sa impraestraktura Naging problema nag masikip na trapiko sa kamaynilaan. Ginawa ang mga flyover at interchange sa pangunahing kalsada.Sinimulan ng paggawa ng train sa EDSA.Ginawa ang Terminal II and III ng Ninoy Aquino International Airport .Pinahaba ang sxpressway hanggng Clark at Subic sa hilaga. 6. Programa sa kapaligiran Ipinatupad ang log ban o pagbabawal sa pagputol ng puno sa mga piling kagubatan.Nagpatanim din ng mga pubo sa mga kalbong bahagi ng kagubatan.Ginawa ang batas na ito upang mapanatili ang gubat at mga hayop at halaman na namumuhay sa mga ito. Ito ang batas RA 7586 – National Integrated Protected Areas System (NIPAS) RA 6969 o Act of 1990 – Ang Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control ay nagbabawal ng pagtatapon ng mga kemikal at basura ng mga pabrika sa mga estero,ilog, at lawa. Ginanyak ang basura sa pamamagitan ng 3Rs ( reduce , reuse , at recycle ) 7. Programa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Sa hangad na maisulong ang ekonomiya, sumali ang Pilipinas sa Asia-Pacific Economic Cooperation ( APEC ). Layunin ng samahan na isulong ang ekonomiya ng bawat kasaping bansa, buksan ito para sa mga mamumuhunan, bawasan ang gastos sa pagnenegosyo, at palakasin ang pagtutulungan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. IKASANDAANG TAON NG KALAYAAN NG PILIPINAS Sa panunungkulan ni Pangulong Marcos nation ang ikasandaang taon ng kalayaan ng Pilipinas (1898- 1998 ) Mula 1995, ito ay pinaghandaan. Ang makasaysayang mga lugar na tinawag na “ Landas ng Kalayaan “ (Centennial Freedom Trail) ay binalikan at isinaayos. Ginawa rin ang Centennial Expo sa dating Clark Air Base. Gumawa ng replica ng makasaysayang lugar na kausany sa kasaysayan. Sa mismong araw ng kalayaan , Hunyo 12, 1998, nagdaos ng magarbong parade ng mga karosa sa CCP Complex na nagpakita ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Umunlad ang ekonomiya sa panahon ni Pangulong Ramos.Natugunan ang mga kailangn ng mga mamamayan, naging matatag ang pamahalaan at umunlad ang paggamit ng teknolohiya.Ngunit sa bandang huli, inakusahan ito ng koruptsiyon at maling paggamit ng ponding bayan.Partikular na tinukoy ang kontrata ng PEA- Amari sa reklamsyon ng Manila Bay, ang paggawa ng Clark Centennial Expo sa Pampanga at ang pagbebenta ng bahagi ng Fort Bonifacio. Aralin 18 - ANG PAMAMAHALA NINA ESTRADA, ARROYO, AT AQUINO III
Si Joseph Ejercito Estrada ay dating tanyag na artista at kilala sa bansag na “Erap “. Sa buong kasaysayan ng eleksiyon sa Pilipinas,siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto.Alkalde siya ng bayan ng San Juan noong panahon ng administrasyong Marcos.Naging senador sin siya bago kumandidato bilang pangulo.
*Si Elpidio Quirino, isang Ilokano, ang Pangalawang Pangulo noong panahon ni Roxas.Nang mamamatay si Roxas sa Clark Field noong Abril 1948, is Quirino ang pumalit bilang pangulo. *Una niyang tinutukan ang problema ng mga HUK. Pagbuwag sa Kilusang HUK *Nakipag-ugnayan si Pangulong Quirino sa pinuno ng HUK na si Luis Taruc sa tulong ng kapatid ng pangulo na huwes na si Antonio Quirino.Sa pulong sa Malacanang , nagkasundo ang dalawang panig na isusuko ng mga HUK ang kanilang mga armas at patatawarin sila ng pamahalaan.
Naging mabagal ang pag-unlad ng bansa.Upang mapabilis ito, humingi ng payo ang pmahalaang Quirino sa US.Noong 1950, isang pangkat ng pinunong Amerikano ang pumarito sa pIlipinas upang tingnan ang kondisyon at magbigay ng mga rekomendasyon.Pinamumunuan ito ni Daniel Bell kaya tinawag na Bell Econimic Survey Mission. Ang dahilan ng mabagal na pag-unlad ay ang mababang produksiyon at mababang kita ng tao, kakulangan sa pondo dahil mababa ang buwis, at sobrang dami ng produktong inaangkat sa ibang bansa habang kakauntio ang produktong iniluluwas. MGA PROGRAMANG IPINATUITUPAD NI PANGULONG QUIRINO Proyektong pabahay para sa informal settler at may mababang sahod sa Pandacan,Maynila , at sa Bago Bantay, Quezon City Pagpapabuti sa klagayan ng mga manggagawa Paggawa ng ilang tulay at irigasyon Paggawa ng Maria Cristina Hydroelectric Plant sa Mindanao at ng Ambuklao Hydroelectric Plant sa Luzon Pagsisimula ng mga bagong industriya , kagaya ng industriya ng tela,bakal, semento , kemikal , sabon, gulong, at plywood Paglagda sa kasunduang Quirino- Foster noong 1950 na nagbunga ng Philippine – American Mutual Assistance Program ( Sa programang ito, ang US ang nagbigay ng pondo at mga tagapayong teknikal at ang Pilipinas ang namahala sa mga manggagawa at karampatang pondo.Lahat ng proyekto ay pinamahalaan ng Philippine Council for US Aid ( PHILCUSA ) at ng Foreign Operations Administration ( FOA) Pakikipagkaibigan sa Cuba at Dominican Republic Paglagda sa Mutual Defence Treaty kasama ang US Pagppapadala ng mga sundalo sa labanan sa Korea sa anyaya ng United Nations Pakikipag-usap sa Japan ukol sa bayad-pinsala o reparations ng nakaraang digmaan PANGULONG RAMON MAGSAYSAY Naging popular dahil sa matagumpay na paglutas sa problema sa mga HUK.Kaya kumandidato siya laban kay Quirino noong eleksiyon ng 1953, ibinoto ng maraming botante.Nakuha ang suporta ng mga Amerikano dahil sa paglaban niya sa komunismo, kaya bagama’t binansagan siyang “ American Boy,” malaki ang naitulong ng mga Amerikano sa kanyang pamamahala. MGA PROGRAMA NI PANGULONG MAGSAYSAY PARA SA KANAYUNAN
pinansiyal mula sa MSA-PHILCUSA, naipatupad ang mga programa ni Quirino sa pagbabagong- tatag ng pamahalaan at ekonomiya, at ang mga programa ni Magsaysay sa pagpapaunlad ng kanayunan. Pagsasanay: Balikan ang detalye mula sa aralin. Punan ang linya ng wastong sagot. 1.Unang hinarap ni Pang. Quirino ang problema sa mga ____________.
pinakamadugong labanan sa Maynila, maraming tao ang pinatay ng mga naghuramentadong Hapones .Sinunog ng mga Hapones ang mga tirahan kung saan naroon ang maraming tao.itinuring na pinakamalupit sa kasaysayan ng mundo ang tinawag na Manila Massacre. KALAGAYAN NG KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN Balisa at nawawalan na ng pag-assa ang mga tao ,lalong lalo na ang mga wlang sariling lupa. Kaya ang dating miyembro ng HUKBALAHAP ( Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon ) ay muling naging aktibo. Sa Gitnang Luzon, nagtatag sila ng bagong samahan na yinawag na Huk. Sa pagkakataong ito hindi sila laban sa mga Hapon kundi laban sa pamahalaan at sa mga may-ari ng malalalwak na lupain. Ayon sa kanila , ginagamit sila ng mga may-ari ng lupa upang magpayaman samantalang sila ay nananatiling mahirap ang buhay. Ang sistemang piyudal – ang nais mabago ng mga Huk.Sa sistemang piyudal, ang mga magsasaka ay nagmistulang alipin ng may-ari ng lupa.Sa bawat taon na nagbubungkal ng lupa hindi sapat ang kanilang kinikita pra sa panagangailangan ng kanilang pamilya.Nababaon sila sa utang sa may-ari ng lupa hanggang pati kanilang mga anak at maging alipin na rin nito. Malaking problema ng administrasyong Roxas ang kawalan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.Malaking bahagi ng lupain ang napasakamay ng mga Amerikano.Ang malaking lupain ng bansa ay ginawang plantasyon ng mga produktong panluwas, tulad ng tubo at niyog. Parity Amendment – pagbabago sa kontitusyon ng Pilipinas , kung saan ito ay sinuportahan ni Roxas at ito naman ay mahigpit na tinutulan ng mga magsasaka at kanilang kasamahan.Dahil dito hindi nagustuhan ng mga magsasaka at kanilang kasamahan si Roxas. Philippine Rehabilitation Act- ang tulong na iniaalok ng US, gumawa si Roxas ng paraan upang maideklarang illegal na oraganisasayon ang Huk at ang Pambansang kaisahan ng mga Magbubukid na may parehong layunin. Ambassador Paul McNutt – ayon sa kanyang ulat kay Presidente Harry Truman ng US noong Enero 1946. “ imposibleng kayanin ng mga Pilipino ang maging Malaya at magpanibagong-tatag dahil sila ay lubos na nasalanta at nasiraan ng loob dahil sa napakalupit na digmaan, nahati sa mga loyalist at nga kolaboreytor at mayroon pang mga rebelled na may arams at kasalukuyang tinutugis ng pamahalaan. Ito ang Pilipinas na hinarap ni Roxas , malaking hamon ang mga suliraning idinulot ng pannakop ng mga Amerikano at ng mga Hapones at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ARALIN 12 PAGTUGON NG PAMAHALAANG ROXAS SA MGA SULIRANIN AT MGA HAMON Manuel Roxas – mula sa Capiz , Pilipinong mambabatas noong panahon ng mga Amerikano.Masugid na nangampanya para sa kalayaan. Hawes-Cutting Act - mula sa kongreso ng US.Ito ang unang batas na nagtalaga ng sampung taon ng komonwelt ng Pilipinas.Ngunit dahil ayaw tanggapin ni Pang.Quezon ito ay napalitan ng halos kapareho ring Tydings-McDuffie Act maliban sa isang probisyon. ANG BELL TRADE ACT NA MAY PARITY RIGHTS Noong Setyembre 1945 , isang taon bago ideklara ang kalayaan ng Pilipinas , isang batas ang ginawa sa Kongreso ng Amerika.Ang panukalang batas ay inihain ni Kinatawan Jasper Bell , isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kaya tinawag itong Bell Trade Act. KABILANG SA MGA PROBISYON NG BATAS BELL ANG SUMUSUNOD: