Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

pretest in filipino IV, Schemes and Mind Maps of Law

Pretest in filipino IV year 2023-2024

Typology: Schemes and Mind Maps

2023/2024

Uploaded on 08/01/2024

novie-bangca
novie-bangca 🇵🇭

1 document

1 / 5

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
FILIPINO 4
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Layunin Bilang ng
Aytem
Kinalalagyan Bahagdan
1. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita
tungkol sa sarili, sa mga tao, sa mga hayop sa paligid, sa lugar,
bagay at pangyayari sa paligid.
1 1 2.5
2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at
pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
1 2 2.5
3. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong): isahan,
maramihan sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
1 3 2.5
4. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panaklaw): tiyakan,
isahan/kalahatan, di-tiyakan sa usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan.
1 4 2.5
5. Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan ng
tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili ibang tao katulong sa
pamayanan.
1 5 2.5
6. Nagagamit nang wasto ang pang-uri: paghahambing, pasukdol
sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili,
ibang tao katulong sa pamayanan.
2 6-7 5
7. Nagagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa sa
pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari.
2 8-9 5
8. Nagagamit ang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. 1 10 2.5
9. Natutukoy ang kaibahan ng pang-uri at pang-abay. 1 11 2.5
10. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na ng, na, g sa
pangungusap.
2 12-13 5
11. Nagagamit nang wasto at angkop na pangatnig: o, ni, maging,
man, kung, kapag, pag, ngunit, subalit, dahil sa, sapagkat, saw
akas, kung gayon, daw, raw kung sino, kung ano, siya rin.
2 14-15 5
12. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa
pangungusap.
1 16 2.5
13. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay
ng sariling karanasan.
2 17-18 5
14. Natutukoy ang mga elemento ng kuwento: tagpuan, tauhan,
banghay.
2 29-30 5
15. Nagagamit ang mga pamatnubay na salita ng diksyunaryo. 2 27-28 5
16. Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-
impormasyon – balita.
1 36 2.5
17. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng
mga salita tulad ng paggamit ng palatandaang nagbibigay ng
kahulugan: kasingkahulugan, kasalungat, paglalarawan, pormal
na depenisyon.
2 38-39 5
18. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano. 2 31-32 5
19. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating
karanasan/kaalaman.
1 34 2.5
20. Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag. 2 19-20 5
21. Nabibigyang kahulugan ang bar grap, dayagram, talahanayan,
tsart.
1 40 2.5
22. Nakasusunod sa nakasulat na panuto. 1 21 2.5
23. Natutukoy ang mga suportang detalye sa mahalagang kaisipan sa
nabasang teksto.
1 35 2.5
24. Nasusuri kung opinion o katotohanan ang isang pahayag. 1 22 2.5
25. Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa. 1 37 2.5
26. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pahayagan. 2 23-24 5
27. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang teksto. 1 33 2.5
28. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng aklat tulad ng talaan
ng nilalaman, talahulugan
2 25-26 5
TOTAL 40 100%
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download pretest in filipino IV and more Schemes and Mind Maps Law in PDF only on Docsity!

FILIPINO 4

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Layunin Bilang ng Aytem Kinalalagyan Bahagdan

  1. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, sa mga hayop sa paligid, sa lugar, bagay at pangyayari sa paligid.
  1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
  1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong): isahan, maramihan sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
  1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panaklaw): tiyakan, isahan/kalahatan, di-tiyakan sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
  1. Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili ibang tao katulong sa pamayanan.
  1. Nagagamit nang wasto ang pang-uri: paghahambing, pasukdol sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili, ibang tao katulong sa pamayanan.
  1. Nagagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari.
  1. Nagagamit ang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. 1 10 2.
  2. Natutukoy ang kaibahan ng pang-uri at pang-abay. 1 11 2.
  3. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na ng, na, g sa pangungusap.
  1. Nagagamit nang wasto at angkop na pangatnig: o, ni, maging, man, kung, kapag, pag, ngunit, subalit, dahil sa, sapagkat, saw akas, kung gayon, daw, raw kung sino, kung ano, siya rin.
  1. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap.
  1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
  1. Natutukoy ang mga elemento ng kuwento: tagpuan, tauhan, banghay.
  1. Nagagamit ang mga pamatnubay na salita ng diksyunaryo. 2 27-28 5
  2. Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang- impormasyon – balita.
  1. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan: kasingkahulugan, kasalungat, paglalarawan, pormal na depenisyon.
  1. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano. 2 31-32 5
  2. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman.
  1. Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag. 2 19-20 5
  2. Nabibigyang kahulugan ang bar grap, dayagram, talahanayan, tsart.
  1. Nakasusunod sa nakasulat na panuto. 1 21 2.
  2. Natutukoy ang mga suportang detalye sa mahalagang kaisipan sa nabasang teksto.
  1. Nasusuri kung opinion o katotohanan ang isang pahayag. 1 22 2.
  2. Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa. 1 37 2.
  3. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pahayagan. 2 23-24 5
  4. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang teksto. 1 33 2.
  5. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng aklat tulad ng talaan ng nilalaman, talahulugan

TOTAL 40 100%

FILIPINO 4

DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

  1. Ang (A. aso B. bata C. kaarawan D. simbahan) ay pumapasok sa paaralan araw-araw
  2. Nagtimpla ng kape si Aling Aurora para sa kanyang asawa. _____ ay isang mapagmahal na kabiyak. (A. Ako B. Sila C. Siya D. Kami
  3. _____ ka pupunta? (A. Magkano B. Sino C. Saan D. Ano)
  4. _____ ang iyong pangarap sa buhay, matutupad ito kung magsisikap ka. (A. Anuman B. Saanman C. Gaanuman D. Kailanman)
  5. Ang kanilang bahay ay _____. (A. lalong maganda B. higit na maganda C. mas maganda D. maganda)
  6. _____ ang kanyang damit kaysa sa akin. (A. maliit B. mas maliit C. napakaliit D. ubod ng liit)
  7. Ang aking silid ang _____ sa lahat ng kuwarto sa bahay. (A. maluwang B. lalong maluwang C. higit na maluwang D. pinakamaluwang)
  8. Bukas _____ ang mag-anak pa-Maynila. (A. luwas B. lumuwas C. luluwas D. lumuluwas)
  9. Si Karen ay _____ ng damit kahapon. (A. laba B. naglaba B. maglaba C. maglalaba)
  10. Ang pagong ay _____ maglakad. (A. mabilis B. mabagal C. malakas D. mahina)
  11. Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba ng pang-uri sa pang-abay? A. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa. B. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pang-abay at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa. C. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pandiwa at ang pang-abay ay naglalarawan ng pangngalan. D. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa at pang-uri.
  12. Ang mataba__ baboy ay alaga ni Tina. Anong pang-angkop ang dapat ilagay sa patlang? (A. na B. ng C. g D. a)
  13. Ang masipag __ ama ay nakapagpatapos ng kanyang tatlong anak sa kolehiyo. (A. na B. ng C. g D. a)
  14. Si Marife ay matalino _____ tamad mag-aral. Anong pangatnig ang dapat gamitin sa patlang? (A. kung B. dahil C. ngunit D. sapagkat)
  15. _____ hindi uulan sa Sabado, pupunta tayo sa tabing-dagat. (A. Kung B. Ngunit C. Upang D. Subalit)
  16. _____ ay matalik na magkaibigan. Anong simuno ang naaangkop gamitin sa patlang? (A. Si Alice B. Virgie C. Si Alice at Virgie D. Siya)
  17. Anong pangungusap ang gagamitin sa pagtatanong? A. Ako ay magbabakasyon sa Baguio. B. Aray! Napakasakit ng tiyan ko. C. Saan ka pupunta? D. Tumayo ka.
  18. Anong pangungusap ang gagamitin mo sa pag-uutos? A. Isara ang pinto. B. Sino ang iyong guro? C. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan. D. Pakiabot mo nga ang aklat na nasa mesa.
  19. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain ng kendi. Alin ang sanhi? A. Sumakit ang kanyang ngipin B. dahil sa sobrang pagkain ng kendi C. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobra D. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain
  20. Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon, nakapasa siya sa pagsusulit. Alin ang bunga? A. Nakapasa siya B. Sapagkat nag-aral si Ben C. Nakapasa siya sa pagsusulit D. Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon

Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang dahil nanghihina siya. Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na muna ng itlog upang sila’y makakain habang wala pa ang kanilang ama. “Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay Sharlin. “Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang gumawa,” patuloy na sumbat ni Sharlin. “Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aron. Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa kanyang higaan upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at walang anu-ano’y natumba. Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang makabangon. Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina. Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang mga magulang.

  1. Sino ang magkapatid sa kuwento? A. Aron at Sharlin B. Ana at Maria C. Ara at Shara C. Ava at Shania
  2. Saan naganap ang kuwento? A. sa bahay ng mag-anak B. sa simbahan C. sa palengke D. sa paaralan
  3. Bakit hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang? A. dahil malakas siya B. dahil tinatamad siya C. dahil nanghihina siya D. dahil may pupuntahan siya?
  4. Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid? A. sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang nanay B. sa pamamagitan ng pagmamalupit ng kanilang magulang C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ng kanilang magulang D. sa pamamgitan ng pangyayari sa kanilang nanay nang minsan itong magkasakit
  5. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ibaba I. Nagkasakit si Aling Tasiang II. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid. III. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak. IV. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay. A. II-IV-I-III B. III-I-IV-II C. III-IV-I-II D. II-I-IV-III
  6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pa rin natuto ng leksiyon ang magkapatid? A. magiging masaya ang kanilang mga magulang B. magiging malungkot ang kanilang magulang C. magiging mabuti silang mga anak D. magiging maunlad ang buhay nila
  7. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang detalye sa binasang kuwento. A. Si Aron at Sharlin ay magkaibigan. B. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay magkapatid. C. Si Aron at Sharlin ay magkapatid na hindi magkasundo. D. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay mag-asawa na hindi nagmamahalan.

Basahin ang sumusunod na balita at sagutin ang bilang 36-39. MANILA - Nabuwal ang isang poste ng ilaw sa center island ng Mindanao Avenue Extension sa Quezon City matapos mabangga ng isang truck, Biyernes. Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre, nakaidlip siya habang nagmamaneho at nagising na lamang siya ng bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan sa poste. "Hindi ko na napigil ang antok at pagod dahil umaga pa ako nagsimulang bumiyahe," ani Donayre. Galing Bulacan ang truck at pauwi na sa upang gumarahe sa Antipolo nang maganap ang insidente. Bagamat self-accident ang nangyari, mahaharap pa rin ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property dahil sa nasirang poste.

  1. Bakit bumangga ang sasakyan? A. dahil madulas ang daan B. dahil madilim ang kalsada C. dahil nakatulog ang drayber D. dahil may iniwasang tumatawid sa kalsada ang drayber
  2. Ano ang angkop na pamagat o ulo ng balita? A. poste ng ilaw, nabuwal nang banggain ng trak sa Quezon City B. drayber nakatulog, nahulog ang sasakyan sa bangin C. sasakyan nabuwal, poste ng ilaw bumangga D. trak nawalan ng preno, bumangga
  3. Naalarma ang mga residente nang makita ang malakas na tubig na umaagos o dumadaloy sa bundok. Ano ang kasingkahulugan ng salitang umaagos mula sa pangungusap? A. naalarma B. dumadaloy C. malakas D. tubig
  4. Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Ano ang kasalungat ng kapayapaan sa pangungusap? A. pag-ibig B. nagdudulot C. kaguluhan D. kayamanan Pag-aralan ang bar grap at sagutin ang kasunod na tanong.
  5. Sa anong buwan mayroong pinakamababang bilang ng mag-aaral na magdiriwang ng kaarawan? A. Mayo B. Hunyo C. Hulyo D. Agosto Inihanda ni Gng. SHARON H. MANUEL Teacher III