

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Posisyong Papel sa CHED Memo 20-2013
Typology: Study Guides, Projects, Research
1 / 3
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
ni Yobhel Louisse P. Beltran Central Luzon State University September 28, 2018 Hindi lingid sa ating kaalaman na ang nais ng ating bansa ay makasabay sa globalisasyon, sa gawing ito kamakailan lamang ay ipinatupad ang K-12 Curriculum o ang Kinder to Grade 12 na nagkaroon ng karagdagang dalawang taon ng pag-aaral sa hayskul. Kasunod nito ang pagpapatupad ng Commission on Higher Education (CHED) ang CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013 (CHED Memo 20-
Nasasaad sa konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa ibang mga wika ”. Malinaw na isinasaad na dapat at kailangan na pagyabungin ang wikang Filipino marahil ito ay ang ating wikang pambansa. Ito ang identidad natin bilang mamamayang Filipino. Ating isipin na kung magiging opsyon na lamang ito sa kolehiyo paano pa maituturo sa susunod na mga henerasyon?, paano pa ito lubos na mauunawaan ng bawat isa?, paano pa malalaman kung saan dapt na gamitin ang “nang” at “ng”. Kung tayo nga ay hindi pa magamit ng maayos ang mga terminolohiya sa wikang Filipino paano pa kaya sa mga susunod pang henerasyon. Ayon sa CHED ito ay ang siyang daan upang makasabay sa globalisasyon at pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Sa pahayag na ito ng CHED tumutol ang Propesor ng Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na si Melania Abad-Flores. Aniya, hindi lamang mabuti ang dulot ng globalisasyon kundi ay maaari rin itong magdulot ng pagkawala ng sarili nating pagkakakilanlan bilang mamamayan at bilang isang bansa. “ Ang liit na nga ng Filipinas kalat-kalat pa tayo. Wala na rin tayong konsepto ng ‘bansa’. Tapos lalamunin pa tayo ng konseptong globalisasyon ”, ani Flores. Hindi kailanman magiging batayan ng pag-unlad ang unti-unting pag-alis sa ating sariling wika. Kung ito ay tuluyang makakalimutan at hindi magagamit sa wastong pamamaraan hindi na tayo matatawag na mamamayang Filipino marahil ang ating identidad ay natatakpan at nasasakop ng iba. At ang ninanais na pag-unlad ay hindi tunay na maaabot kung wala ang wikang sinasalita ng bawat Filipino. Hindi naman masama ang paghahangad ng mataas para sa sariling bansa ngunit kailangang huwag isantabi ang sariling pagkakakilanlan, isabay natin sa pag-unlad ng ating pagka-Filipino at ang pagyabungin pa ito kasabay ng pagtangkilik sa ibang salita upang magkaroon ng gahum ang wikang Filipino o ang malayang pagtanggap ng mga tao dito. Bilang isang mag-aaral na kasama sa unang pangkat na nakapagtapos ng hayskul