Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Panitikan ng regional, Lecture notes of Immigration Law

This handouts is for the lectures only

Typology: Lecture notes

2023/2024

Uploaded on 02/24/2024

rene-mendoza-7
rene-mendoza-7 🇵🇭

2 documents

1 / 21

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Doc. No.: BEC-FO-COL-19
Page: 1 of 1
COURSE MODULE
College/Department:__ COLLEGE OF EDUCATION___________________________________
Course Code/Course Name: _LIT 202B PANITIKAN NG REHIYON________________________
Semester of Academic Year: __ SECOND SEMESTER AY 2020-2021_____________________
Topic
Batayang Kaalaman sa Panitikan
Uri at Anyo ng Panitikan
Pahapyaw na Sulyap sa Kasaysayan ng Panitikan
Introduction
Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at
namamayaning uri at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma rin dito ang mga
panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat
inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan
ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa
kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang
pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang rehiyon at wika sa Pilipinas.
Rationale
Ito ay inihanda para mapag-aralan mo ang kahulugan, kahalagahan at tungkulin, uri at anyo
ng panitikan ganundin ang mga halimbawang akda. Tatalakayin din dito ang pahapyaw na
sulyap sa Kasaysayan ng Panitikan. Taglay nito ang ilang aralin, pagsasanay at pagsubok na
sumasaklaw sa mga pananaw tungkol sa sanaysay. Inayos ang mga Gawain upang mabigyan
ka ng sapat na kahandaan nang maunawaan mo ang kahulugan, kahalaga-han at tungkulin,
uri at anyo ng panitikan ganundin ang mga halimbawang akda.
Intended Learning Outcomes
A. Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan at tungkulin, uri at anyo ng panitikan
B. Naipapaliwanag ang mga anyo ng panitikan at natutukoy ang mga halimbawa nito.
C. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang akda sa bawat anyo ng panitikan
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15

Partial preview of the text

Download Panitikan ng regional and more Lecture notes Immigration Law in PDF only on Docsity!

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

College/Department:__ COLLEGE OF EDUCATION___________________________________ Course Code/Course Name: _LIT 202B PANITIKAN NG REHIYON________________________ Semester of Academic Year: __ SECOND SEMESTER AY 2020-2021_____________________ Topic Batayang Kaalaman sa Panitikan Uri at Anyo ng Panitikan Pahapyaw na Sulyap sa Kasaysayan ng Panitikan Introduction Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang rehiyon at wika sa Pilipinas. Rationale Ito ay inihanda para mapag-aralan mo ang kahulugan, kahalagahan at tungkulin, uri at anyo ng panitikan ganundin ang mga halimbawang akda. Tatalakayin din dito ang pahapyaw na sulyap sa Kasaysayan ng Panitikan. Taglay nito ang ilang aralin, pagsasanay at pagsubok na sumasaklaw sa mga pananaw tungkol sa sanaysay. Inayos ang mga Gawain upang mabigyan ka ng sapat na kahandaan nang maunawaan mo ang kahulugan, kahalaga-han at tungkulin, uri at anyo ng panitikan ganundin ang mga halimbawang akda. Intended Learning Outcomes A. Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan at tungkulin, uri at anyo ng panitikan B. Naipapaliwanag ang mga anyo ng panitikan at natutukoy ang mga halimbawa nito. C. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang akda sa bawat anyo ng panitikan

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

D. Naisasalay ang mga kaligirang kasaysayan sa bawat panahon E. Natutukoy ang mga anyo ng panitikang lumaganap sa bawat panahon F. Napapahalagahan ang pagsunod sa mga panuto, pagiging tapat at pagkakaroon ng dedikasyon sa pag-aaral. Activity Pampaganang Gawain: BIGYAN MO NG KAHULUGAN! Panuto: Bigyan mo ng kahulugan ang salitang PANITIKAN sa pamamagitan ng paglalarawan dito gamit ang bawat letra sa pagbuo ng pahayag. P- A- N- I- T- I- K- A- N- Discussion Ang Kahulugan ng Panitikan Ang panitikan ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at malalim na kahulugan. Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992). Isa rin itong pinakamabisang sangkap sa isang bansa upang malaman ang pagkakakilanlan ng kakanyahan o identidad nito.

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

tagumpay gamit ang masamang pamamaraan. Ipinakita ng may-akda na ang pagkakaroon ng mabuting ugali ay ang tamang daan patungo sa tagumpay. Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay nakabubuo sa paglikha ng sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na akda ay tumutulong para mapalawak ang karanasan ng isang tao. Sa isinulat ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at Ang Liwanag” ay mabisa niyang inilarawan kung paano nakikita ng tao ang katotohanan sa kahuwada; ang pagkahumaling ng tao sa panlabas na kagandahan kaysa panloob. Salamin din ng literatura ang pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang lugar. Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan natin upang makipag-usap sa iba. Sa kwentong “Isang Matandang Kuba Sa Gabi ng Caño” ay nagpapakita ng paniniwala ng isang tribo sa Pilipinas. Ang pag-alam sa iba’t ibang paniniwalang ito ay makatutulong para maging bukas- isip tayo tungkol sa mga tao kung sino ang mga naiiba nang sa gayon nakapagpapakita ang isang tao ng kanyang paggalang sa mga paniniwalang ito. Daloy rin ng literatura ang pakikipag-isang damdamin sa iba at ang pagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang kanilang nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang katotohanan, ito ay mahabang tulay na nagdurugtong sa sangkatauhan Tungkulin ng Panitikan May tungkulin o papel na ginagampanan ang panitikan sa kultura at kasaysayan (Cruz at Reyes, 1984: 1-2):

  1. Maaring ito’y isang likhang-isip, isang bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at ng maraming bagay – ang panlabas na realidad, ang kinabibilangan niyang sistema, ang pangkalahatang pananaw ng komunidad, ang sistema ng sining, at ang wikang ginagamit.
  2. Maaaring sinasalamin ng panitikan ang mga karanasan ng indibidwal at ng kanyang lipunan. Sa madaling sabi, ang isang akda ay nagiging repleksyon ng mga karanasan ng mga mamamayan gayundin ng mga pangyayari sa kasaysayan. Nabanggit ng ni Alip (1974) na ang panitikan ay ang paglalarawan ng tunay na pangyayari sa isang bansa at ng katotohanan.
  3. Malawak ang nasasakupan ng panitikan. Naaaninaw nito ang kapaligiran at mga pangyayaring nagaganap sa nasabing kapaligiran. (Angelina Santos ng MSU-IIT, (1958: 36- 37)) 4. Walang tinatago ang panitikan, kahit ang pinakapangit na bahagi ng mundo ay

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

tinatalakay nito, lahat ay pinapaksa. Ang lahat-lahat sa sandaigdigan ay walang nakakaligtas, hanggang sa ganap nating maunawaan ang mga pangyayari sa ating buhay at pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Uri at Anyo ng Panitikan at mga halimbawa May dalawang anyo ang panitikan: Tuluyan (prosa) at Patula. Ang Tuluyan ay maluwag na pagsasamasama ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap. Ang Patula naman ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binibilang sa pantig (6, 8, 12, 16, o 18 sa taludtod) at pinagtugmatugma sa dulo ng mga taludtod sa loob ng isang taludturan o saknong (Panganiban, 1950: 12) Anyong Tuluyan

  1. Sanaysay – naglalahad ng mga kurokuro at pansariling kaisipan ng manunulat.
  2. Alamat – mga salaysay na itinuturing ng mga mananalaysay at tagapakinig bilang katotohanan (Boswell, 1969). Ipinahahayag nito ang kasaysayan ng mga tao. Tagpuan ng mga alamat ang mga daigdig na ginagalawan natin ngayon. Nagaganap ito sa isang tiyak na lugar at nakapaguugnay sa nakaraan at sa kasalukuyan.
  3. Anekdota – itinuturing na mga likhang-isip lamang ng manunulat. Ito ay maaaring maikling bahagi ng buhay ng tao lalo na bayani ng bayan na nakapagbibigay-aral sa mambabasa.
  4. Balita – isang uri ng paglalahad ng mga pang-araw-araw na kalagayan at pangyayari sa lipunan, sambayanan, pamahalaan, mga bansa, sa ibayongdagat, at sa buong sanlibutan.
  5. Salaysayin – itinatangi ito bilang kathakatha o kathang-isip lamang at hindi isinasaalang- alang bilang dogma o kasaysayan. Ito’y mga pang-aliw o libangan, na nangangahulugang mabisang pampalipas ng panahon lalong-lalo na sa oras ng pahingalay (Bascom, 1965).
  6. Talambuhay – paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. Kapag ang

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

a. Elehiya – kini-kinita ang isang pangyayari o pagbubulay-bulay ng guniguni ukol sa kamatayan, paggunita ng isang yumao. b. Oda – ito ay malimit na ginagamit sa pagpapahayag ng masiglang damdamin sa pagpupuri. Wala itong tiyak na bilang ng taludtod at bilang ng pantig. c. Kantahin – maaaring ang damdaming ipinahahayag na ito ay pansarili o panlipunan. Binubuo ito ng ilang d. Soneto – ito ay binubuo ng labing-apat na taludtod na pinagdalawang taludturan, isang waluhan, at isang animan. e. Pastoral – ang buhay sa bukid ang inilalarawan sa ganitong uri ng tula.

2. Tulang Pasalaysay – ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring maaaring tunay o kaya hango lamang sa guniguni o imahinasyon; mga di kapani-paniwalang mga pangyayari. Sa panitikang Pilipino, ang tulang pasalaysay ay nahahati sa dalawang a. Epiko – isang mahabang salaysay ukol sa kagitingan ng isang bayani. Halimbawa ng tulang epiko ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano. b. Awit at korido – ito ay ukol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran, pandarayuhan, at pandirigma, na dinala rito ng mga Kastila buhat sa Europa. Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod at ang korido ay binubuo ng walong pantig sa bawat talutod. Ang Florante at Laura ay isang awit at ang Ibong Adarna ay isang korido. 3. Tulang Pandulaan – ang kaanyuan at kayarian nito ay patula at masasabing ang katangian nito ay nabibilang o patungkol sa dula. Halimbawa: a. Saynete – karaniwang pag-uugali ng tao o katangian ng pook ang paksa nito. b. Trahedya – tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng protagonista. c. Komedya – karaniwang nagtatapos ang tunggalian sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasaya ng damdamin ng manonood, nagwawakas ito ng masaya. Pahapyaw na Sulyap sa Kasaysayan ng Panitikan Panahon ng Katutubo

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang- bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo. Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat- agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. Uri ng Panitikan bago dumating ang mga Kastila

  • Alamat - Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

  • Bugtong – Binubuo ng parirala o pangungusap na patula at patalinhaga. Halimbawa: Dala mo, Dala ka, Dala ka ng iyong Dala Sagot: Tsinelas Bumili ako ng alipin Mas mataas pa sa akin Sagot: Sombrero Munting Bundok Hindi madampot Sagot: Ipot Pananakop ng Kastila Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong nabangiot na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang mapagbibilhan nila ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon, wari’y hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop. Napasama sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa dahilan nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang paghahanap ng mga sangkap na pampalasa ( spices ). Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramtika at diksiyunaryo. Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya. Inihayag ito ni Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala, pinalitan na ang dating mga barangay at mang mga namumuno sa Pilipinas ay isang Gobernador- Heneral na siyang kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Madalas magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sino ang namamahala sa Espanya. Samantalang ang mga prayleng namumuno sa mga simbahan sa kapuluan ay hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso ang mga ito. Sila na ang nakapangyayari sa halip na ang pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng edukasyon ng mga bata na nagsisimulang magsipag- aral sa mga kumbento. Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang ginamit ngunit mapapansin sa lumang mga kasulatan na ang f ay siyang s at ang v ay siyang w. Tulad ng santiffimo at tavo.

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan, ang mga gawi, at ang mga pagdadala ng mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito ang alpa, piano, espada, libro atbp. Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang korido. Hindi lamang panitkan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila ng gramatika, ngunit ang pagtuturo nila nito’y batay sa pook na kanilang kinaroroonan. Ang mga prayle ang naging guro. Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyon kaya ang unang panahon ng pananakop ay pagpapalaganap ng panitikang pansimbahan at kagandahang-asal. A. Dalit Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria na naging kaugalian na sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque at Mindoro. GInaganap ito tuwing Mayo. Nag-aalay ng mga bulaklak ang mga bata hanggang dinadalit ang pagpuri sa Mahal na Birhen. Sa mga lalawigang nabanggit nasasaulo na ng mga bata ang isasagot sa mga namumuno. Marami- rami pa ring matatanda ang nakakasaila ng mga sinasabi ng namumuno bagama’t hango sa buong aklat ang kanilang dinadalit. B. Mga Nobena Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng pangnonobena sapagkat may mga pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa- alis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o paglilibing sa mga yumao na. Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod- sunod na araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo). Batay na ito sa santo’t santa ng namiminitakasi. C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay- buhay ng mga santo’t santa para garing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang- diing nasa pagpapakasakit ang walang hanggang kaluwalhatian kay nararapat na magpakasakit amg mga tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang kanilang kaluluwa.

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

lamang at hindi batid kung sino ang may- akda. Ang kilalang manunulat nito’y sina Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), Ananias Zorilla at Francisco Balagtas. Kabilang sa mga awit ang Florante at Laura ni Balagtas, Pitong Infantes de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng Pransya at Haring Patay. Kabilang naman sa korido ang Kabayong Tabla, Don Juan Tinoso, Ang Ibong Adarna, Ang Dama Ines at Prinsipe Florinio ni Ananias Zorilla at Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz. Tula Ladino- mga tulang halong Kastila at Tagalog ang wika. Sa panahong ito ng mga dalit at salmos nagsisulat ang mga prayle at sa kanilang mga sinulat ay makikita ang katibayan ng pagpapalaganap nila ng kanilang wika bukod pa sa pagpapalaganap ng relihiyon. Ang mga dalit nila’y wawaluhing pantig. Sa tulang pasalaysay o mga awit at korido, ang nangunugna ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas at Ibong Adarna. Sa may paksang relihiyon ang Pasyon ang nangunguna. Ang Dula at Dulaan Kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng dula noong panahon ng Kastila, mahahati ito sa tahanan, sa labasan at sa tiyak na entablado. 1.) sa tahanan - ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o pamamanhikan 2.) sa labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa, tibag, santakrusan, moriones at hugas- kalawang. 3.) sa tiyak na tanghalan- ginaganap ang moro- moro, carilyo, senakulo at sarsuwela. Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.” Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL ), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din. Pananakop ng Amerikano Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan. Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat. Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “ Hindi Ako Patay ” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay. Pananakop ng Hapon Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha. Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5- 7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7) Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat- panulat na Rio Alma ) at Quintin Perez. Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi. Exercises A. Panuto: Bumuo ng isang “Timeline” ng kasaysayan ng panitikan at ang mga akdang umusbong sa iba’t ibang panahon. Pamantayan: Presentasyon………………………………………….30 puntos Nilalaman………………………………………...…...40 puntos Kaliwanagan……………………………………….….30 puntos KABUUAN…………….…… 100 puntos B. Panuto: Bumuo ng isang “powerpoint presentation” tungkol sa pagpapaliwanag ng mga anyo ng panitikan at natutukoy ang mga halimbawa nito. Magsasaliksik ng mga halimbawang akda sa bawat anyo ng panitikan Pamantayan: Nilalaman……………………………………….…...40 puntos Presentasyon……….………………….……….…..30 puntos Kaliwanagan…………………………………….….30 puntos KABUUAN………….…… 100 puntos

Page: 1 of 1

COURSE MODULE

C. Bumuo ng “Repleksyon” tungkol sa kabuuan ng aralin. Pamantayan: Presentasyon………………………………………….30 puntos Nilalaman………………………………………...…...40 puntos Kaliwanagan……………………………………….….30 puntos KABUUAN…………….…… 100 puntos Assessment A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. I-klik ang link upang dalhin ka sa pagtataya. https://forms.gle/mrM4cRVPXLAksZex B. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. I-klik ang link upang dalhin ka sa pagtataya. https://forms.gle/C8VTYxGAETcvBiif C. Panuto: Batay sa sarili ninyong pagkaunawa at sariling mga pahayag, sagutin ang mga sumusunod na katanunga.

  1. Para sa iyo, ano ang panitikan?
  2. Bakit mahalaga ang panitikan?
  3. Ipaliwanag ang tungkulin ng panitikan sa kultura at kasaysayan. Prepared by: _ IMELDA L. AMAZONA, MEM-MAEd ___ Instructor Noted by: __ RENALYN B. ALMARIO, PhD _________ Assistant Dean, College of Education