Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Nostalgic scenes of someone, Summaries of Literature

Si by Bob Ong, a nostalgic story

Typology: Summaries

2017/2018

Uploaded on 03/14/2025

semioticplane
semioticplane 🇵🇭

1 document

1 / 9

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
KABANATA 41
NAKILALA ni Lorenzo si Olivia at simula noon ay bumaliktad na ang mundo ng binata. Maaari
kong sabihing dinaanan ko ang pinagdaraanan n'ya, ngunit magsisinungaling ako kung
sasabihin kong binaliw ako ng pag-ibig na tulad ng pagkakabaliw n'ya.
Kilala ang ganda ni Olivia sa buong pamantasan na pinapasukan ni Lorenzo. Ang totoo, dahil
lakambini sa mga palaro, kilala ito maging sa iba pang paaralan. Hindi inaasahan ni Lorenzo na
mapapansin pa s'ya ni Olivia, hanggang sa maging magkaklase ang dalawa. Suwerte nga lang
ni Lorenzo na dahil matalino, ay laging nagiging takbuhan ng nagpapatulong na dalaga.
Nabanggit ni Olivia minsan sa isang kuwentuhan na kung papipiliin s'ya, mas gugustuhin n'ya
ang talino kaysa sa kagandahan. Lalo s'yang hinangaan ni Lorenzo dahil dito. Kaya nagsikap
ang anak ko na pag-ibayuhin pa ang suporta ar pagtuturo sa dalaga hanggang sa mapabuti ang
mga marka nito sa paaralan. Ginawa n'ya ito hanggang sa puntong nagkulang na s'ya sa
sariling mga klase, at nailagpak ng ilang propesor. Pero hindi n'ya ito inalintana. Ang tanging
mahalaga ay hiniling ni Olivia ang talino at ito ay naipagkaloob niya. Matagal n'ya ring sinuyo
ang dalaga, ngunit pagkakaibigan lamang ang ipinagkaloob nito sa kanya. Hindi naman
nawalan ng loob si Lorenzo.
Nagkaroon ng sayawan sa pamantasan. Inimbitahan ni Lorenzo na dumalo si Olivia kasama
n'ya ngunit tumanggi ito. Malungkot ang dalaga dahil bukod sa wala itong isusuot, lihim n'ya ring
dinaramdam na may iba nang hinahangaan ang kalalakihan. Nangako ng tulong si Lorenzo at
ipinambili ng damit ang suweldong naipon n'ya sa pagtatrabaho sa fast food. Natuloy sa
pagtitipon ang dalawa, ngunit si Lorenzo na lamang ang umuwi nang mag-isa. Kinabukasan ay
nakita n'yang may iba nang kasamang lalaki si Olivia.
Makalipas ang isang linggo, nabalitaan n'yang nasa ospital ang dalaga, nangangailangan ng
dugo matapos mabangga ang sinasakyan nila ng mga kabarkada. Hindi nag-atubiling ibinigay ni
Lorenzo ang sariling dugo para sa sinisinta. Nailigtas n'ya sa kapahamakan si Olivia at
kinabukasan din ay nagbalik ang lakas ng dalaga. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi na ito
muling nagpakita sa kanya.
Nawala ang interes ni Lorenzo sa pag-aaral. Hindi na s'ya sumama sa mga kaibigan. Hindi na
rin s'ya dinalaw ng antok, gutom, at pagod.
Sa ilang pagkakataon na nakakatulog s'ya ay nagigising naman s'yang isinisigaw ang pangalan
ni Olivia. Awang-awa ako sa aking anak ngunit hindi ko naman s'ya matulungan. Ilang araw,
linggo, at buwan ang iginugol n'ya sa paghahanap kay Olivia. Hanggang sa matagpuan n'ya ito
sa bahay ng kamag-aral sa bayan ng Santo Cristo.
"Layuan mo na ako, Lorenzo, ano ba ang kailangan mo sa akin?" humahagulgol si Olivia
habang nakatakip ang mga palad sa mukha.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9

Partial preview of the text

Download Nostalgic scenes of someone and more Summaries Literature in PDF only on Docsity!

KABANATA 41

NAKILALA ni Lorenzo si Olivia at simula noon ay bumaliktad na ang mundo ng binata. Maaari kong sabihing dinaanan ko ang pinagdaraanan n'ya, ngunit magsisinungaling ako kung sasabihin kong binaliw ako ng pag-ibig na tulad ng pagkakabaliw n'ya.

Kilala ang ganda ni Olivia sa buong pamantasan na pinapasukan ni Lorenzo. Ang totoo, dahil lakambini sa mga palaro, kilala ito maging sa iba pang paaralan. Hindi inaasahan ni Lorenzo na mapapansin pa s'ya ni Olivia, hanggang sa maging magkaklase ang dalawa. Suwerte nga lang ni Lorenzo na dahil matalino, ay laging nagiging takbuhan ng nagpapatulong na dalaga. Nabanggit ni Olivia minsan sa isang kuwentuhan na kung papipiliin s'ya, mas gugustuhin n'ya ang talino kaysa sa kagandahan. Lalo s'yang hinangaan ni Lorenzo dahil dito. Kaya nagsikap ang anak ko na pag-ibayuhin pa ang suporta ar pagtuturo sa dalaga hanggang sa mapabuti ang mga marka nito sa paaralan. Ginawa n'ya ito hanggang sa puntong nagkulang na s'ya sa sariling mga klase, at nailagpak ng ilang propesor. Pero hindi n'ya ito inalintana. Ang tanging mahalaga ay hiniling ni Olivia ang talino at ito ay naipagkaloob niya. Matagal n'ya ring sinuyo ang dalaga, ngunit pagkakaibigan lamang ang ipinagkaloob nito sa kanya. Hindi naman nawalan ng loob si Lorenzo.

Nagkaroon ng sayawan sa pamantasan. Inimbitahan ni Lorenzo na dumalo si Olivia kasama n'ya ngunit tumanggi ito. Malungkot ang dalaga dahil bukod sa wala itong isusuot, lihim n'ya ring dinaramdam na may iba nang hinahangaan ang kalalakihan. Nangako ng tulong si Lorenzo at ipinambili ng damit ang suweldong naipon n'ya sa pagtatrabaho sa fast food. Natuloy sa pagtitipon ang dalawa, ngunit si Lorenzo na lamang ang umuwi nang mag-isa. Kinabukasan ay nakita n'yang may iba nang kasamang lalaki si Olivia.

Makalipas ang isang linggo, nabalitaan n'yang nasa ospital ang dalaga, nangangailangan ng dugo matapos mabangga ang sinasakyan nila ng mga kabarkada. Hindi nag-atubiling ibinigay ni Lorenzo ang sariling dugo para sa sinisinta. Nailigtas n'ya sa kapahamakan si Olivia at kinabukasan din ay nagbalik ang lakas ng dalaga. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi na ito muling nagpakita sa kanya.

Nawala ang interes ni Lorenzo sa pag-aaral. Hindi na s'ya sumama sa mga kaibigan. Hindi na rin s'ya dinalaw ng antok, gutom, at pagod.

Sa ilang pagkakataon na nakakatulog s'ya ay nagigising naman s'yang isinisigaw ang pangalan ni Olivia. Awang-awa ako sa aking anak ngunit hindi ko naman s'ya matulungan. Ilang araw, linggo, at buwan ang iginugol n'ya sa paghahanap kay Olivia. Hanggang sa matagpuan n'ya ito sa bahay ng kamag-aral sa bayan ng Santo Cristo.

"Layuan mo na ako, Lorenzo, ano ba ang kailangan mo sa akin?" humahagulgol si Olivia habang nakatakip ang mga palad sa mukha.

"Nalaman ko ang katauhan mo mula sa mga doktor, Olivia. Wala akong ibang kailangan sa 'yo kundi ang tanggapin mo ang puso ko." Luhaan din si Lorenzo nang ilabas ang tumitibok n'yang puso upang ialay sa dalaga. "Masarap magmahal, Olivia. Gusto kong maranasan mo ito at lumigaya ka. Kahit hindi sa piling ko, dahil hindi kailangang suklian mo ako. Inaalay ko ang puso ko sa 'yo dahil lang sa ikaw ay si Olivia, at ako ay ako."

Tulalang tinanggap ni Olivia ang puso ni Lorenzo. Pagkatapos ay umalis ang binata nang walang paalam.

MABILIS na nawala ang damdamin ni Lorenzo para kay Olivia pagkatapos noon. At masasabing mabilis ding nagbalik sa normal ang buhay n'ya. Salamat sa kaibigan n'yang si Amelia. Salamat at biniyayaan pa rin s'ya ng Panginoon ng taong magmamahal sa kanya.

Kaarawan ni Lorenzo nang magtapat ng damdamin sa kanya ang dalaga. Tapos na ang klase noon at nagpapahinga na lang sila sa punong malapit sa lawa na karaniwang pinupuntahan ng mga estudyante.

"Alam ng lahat na may tapayan ng mga puso si Olivia. Doon n'ya tinatago ang mga nakukuha n'ya," bungad ni Amelia mula sa pananahimik matapos ang masayang kuwentuhan.

"Hindi ko babawiin ang inalay ko," napayuko si Lorenzo sa di inaasahang kuwento ng dalaga.

"Hindi mo rin magagawa kahit gustuhin mo. Wala nang pakinabang ang pusong hindi nakakabit sa tao."

"Paano si Olivia?" umamin ng pag-aalala si Lorenzo.

"May mga bagay tayong ginagawa na tayo lang ang nakakaalam ng dahilan. Hindi ako

makakapagsalita para sa kanya." Tinanaw ni Lorenzo ang kawalan. "Bakit mo sinasabi sa akin ang mga ito ngayon?"

"Dahil kailangan," kumuha ng lakas ng loob si Amelia sa isang malalim na hinga. "Matagal na kitang minamahal, Lorenzo, pero wala ako sa mundo mo. Si Olivia lang lahat ang babae para sa 'yo. Matagal mo na akong kasama pero hindi mo

ako nakikita. Katabi mo ako pero hindi mo ako nararamdaman. Kausap mo ako pero hindi mo ako naririnig. Minahal kita sa isip ko at ipinagdasal lahat ng mabuti para sa 'yo, pero nag-alala ako nang lubos nang ipagkaloob mo kay Olivia ang puso mo. Hindi dahil sa wala ka nang puso para sa akin, kundi dahil sa wala ka nang laman tulad ni Olivia." Dahan-dahang dumaloy sa pisngi ang mga luha ni Amelia habang iniaalay ang puso kay Lorenzo. "Tanggapin mo ang puso ko, Lorenzo. Masarap magmahal. At masarap magmahal muli kahit nasaktan ka na."

KABANTA 43

HINDI ko alam kung dahil sa mga pabulong na pamimintas ni Minyang na tinatawag na ngayon ng mga bata sa kalye na "Aling Minyang," o dahil sa mabuting impluwensiya kay Juliano ng kaibigan n'yang si Rogelio kaya naisipan ng panganay kong magbalik-eskuwelahan at kumuha ng kursong Electrical Engineering. Anu't anuman, ipinagpapasalamat ko ito sa Diyos. Hindi ko alam kung anong klaseng mga bata ang napalaki ko, pero nasa kanila ang aking suporta at hahayaan ko silang kilalanin ang sarili nila.

KABANATA 44

KAY bilis ng panahon. Nasa kolehiyo na si Lorenzo. At kung ganitong tumigil sa kolehiyo ang kuya niya, malamang ay una pa s'yang makapagtapos ng pag-aaral. Medyo nag-aalala lang kami ni Victoria sa bunso naming si Veronica dahil masyado itong nalilibang sa mga kaibigan niya; madalang na namin itong nakakasabay sa mga oras ng pagkain, at sa mga pagkakataon namang nananatili ito sa bahay ay kadalasang nagkakaroon ng away. Normal lang daw ito sa mga kabataan, sabi nila, pero parang hindi naman namin dinaanan ito noong kabataan namin ni Victoria.

KABANATA 45

NAGIMBAL ang Pilipinas sa pagkamatay ni Ninoy Aquino. Sunod-sunod ang mga protesta sa EDSA at naging magulo ang bansa. At higit itong naramdaman sa pamilya ko nang tumigil si Juliano sa pag-aaral upang lalong pagtuunan ang pakikibaka sa kalye at ilaan ang lahat ng oras para sa kalayaan ng bayan.

Nasa ikalawang taon na ng high school si Veronica at sunod-sunod din ang mga uwi nitong tropeyo sa pagkakapanalo sa iba't ibang patimpalak ng eskuwelahan. Mahusay na mag-aaral at maraming talento ang aming bunso. Nakakalungkot nga lang minsan at nagiging palasagot ito sa mga nakatatanda sa kanya.

KABANATA 46

MANANG Mina," "Minang," o "Minyang" na ngayon ang tawag ng mga tao kay Mina na malaki na ang ipinagbago ng anyo dahil sa katandaan at kawalan daw ng kabuhayan. Hindi nauubusan ng pag-uusapan ang mga tao sa Rizal, tungkol man ito kay Minang o bulung-bulungang si Minang mismo ang nagpasimula. Si Minang din ang saksi sa pinakamalaking balita ng taon. Ang pagpanaw ng laging pinakamalaking balita sa lugar-si Kups. Binaril ng isa sa mga lasenggero ng kalye ang pilay na binatilyo nang subukan nitong iligtas si Superman sa kawali ng mga manginginom. Iniligtas ni Kups ang buhay ng kanyang alaga, kapalit ng sariling buhay. Ilang tao raw ang kinailangang humawak kay Lola Hermi bago nito binitiwan sa pagkakayakap ang bangkay ng apo sa kalye upang kunin ng ambulansiya.

Marami ang naniniwalang may "tama" sa pag-iisip ang binatilyo, dala ng "tama" sa pag-ibig. Pero sino bang tao ang walang "tama," at ano ang normal, lalo na sa pag-ibig?

KABANATA 47

ILANG buwan pa lang mula ng manalong chairman ng Kabataang Barangay si Juliano, nakalikom na agad sila ng pondo para sa proyektong libreng pagpapabakuna ng anti-rabies sa mga aso sa komunidad. Hindi lang niya gustong mamuno, alam din niya kung paanong totoong makapagsisilbi at maging kapakipakinabang sa mga nagtiwala sa kanya. Lubos na ikinatuwa ni Victoria ang magandang simula ng paglilingkod ng anak sa bayan at buong pagmamalaki niya itong binigyan ng masayang handaan kasabay ng kaarawan ko.

KABANATA 48

PARANG balewala lang ang unang araw ni Lorenzo sa mataas na paaralan. Matayog ang pangarap niya at desididong magkaroon ng malaking kumpanya sa pinakamadaling panahon. Ayon mismo sa kanya. Pero mukhang mauunahan siya ni Veronica sa pagsikat dahil sa maya-maya nitong pagsali sa mga programa sa eskuwelahan. Samantalang si Juliano...si Juliano, sa hindi ko malamang kadahilanan, ay nahihilig sa politika, na wala namang kinalaman sa pag-aaral niya.

KABANATA 49

PALIBHASA'Y bata pa, nalilito si Juliano kursong kukunin niya sa kolehiyo. Tinanong siya ni Victoria kung ano ang gusto niyang gawin matapos makapag-aral. "Makapagsilbi po sa kapwa," ang sagot nito. Sinabi namin na gusto rin namin kung ano ang gusto niya. Nagdesisyon siyang kumuha ng kursong Nursing

KABANATA 50

NAKATAYO si Kups sa gilid ng tulay. Magulo ang buhok, kunot ang noo, maputla ang balat, tangan ang saklay at mukhang may karamdaman-tulad ng lagi. Nakatingin sa rumaragasang ilog sa ibaba. Nag-iisip nang malalim. Nang kahulan siya ng isang asong gala mula sa kanyang likuran. Parang biglang nagising at umilaw ang mga mata ng binata. Tiningnan niya ang paligid, walang tao. Tiningnan niya ang leeg ng payat na aso, walang kuwintas na nagsasabing may nagmamay-ari nito.

"Superman."

Nagwagayway ng buntot ang aso.

"Superman!"

Lalo pang bumilis ang pagwawagayway ng buntot, tumalon, at kumahol ang aso.

ng leeg niya at pipigil sa kanyang paghinga. Magkahalong sermon ni Lola Hermie at mga babala ni Kapitan ang inabot ni Kups matapos ang mga pangyayari. Walang nakakaalam sa sakit sa pag-ibig na pinagdaraanan ng binata, at wala ring nakakaunawa

KABANATA 54

HINDI ko man pansinin ang pagsilip ng mga puting buhok at mga guhit sa mukha, ipinaalala sa akin ng pagtatapos ni Juliano sa elementarya ang aking pagtanda. Nakakapagtaka nga lang at sa halip na maglaro o magpahinga noong bakasyon ay mas pinili nitong pumunta sa baryo kasama ang ibang volunteers upang magturo sa mga batang hindi nakakapag-aral. Sumama sa kanya minsan si Lorenzo pero umuwi itong umiiyak nang malamang hindi perya ang kanilang pupuntahan

KABANATA 55

CUPIDO Pasia Marasigan, bakit mo ito ginawa?" inaalog-alog ni Lola Hermie, na lola ng bayan, si Kups habang umiiyak. Bumubula ang bibig at walang malay ang apo sa silid nito nang matagpuan ng mga kasambahay ng matanda. "Ano ba ang dinaramdam mong bata ka? Saan ako nagkulang? Ano ang hindi ko naibigay sa iyo? Umiibig ka na naman ba? Walang pag-ibig na nananakit at kumikitil ng buhay! Hindi ka ba natatakot sa Diyos sa ginawa mo?" Nakapaikot na sa mag-lola ang mga residente ng paupahan ni Lola Hermie, hindi alam kung paano tutulong.

"Cupido, gumising kal Gumising ka, apo!" Ilang yugyog pa at nagising rin si Kups, kabuntot ang mga sunud-sunod na suka at ubo. Napangiti ang matanda at nagpasalamat sa Diyos, saka nahimasnasan at pinagsasampal ang apo. "Damuho ka, papatayin mo ako sa nerbiyos! Ano ka ba? Nasaan ang isip mong demontres ka? Anong bagay sa mundo ang sasapat na dahilan upang itapon mo ang buhay na ipinagkaloob sa iyong diablito ka?"

Ano nga bang dahilan ang sasapat, kung meron man, para mahusgahang kulang sa sukat ang uri ng buhay ng tao? Walang nakakaalam ng sagot sa mga taong nakapaikot sa mag-lola. At wala ring gustong humusga.

KABANATA 56

GABI na 'kong nakauwi ng bahay galing sa opisina nang naabutan kong nasa hapag-kainan pa rin si Lorenzo kaharap ang platong puno pa ng kanin. Tinanong ko si Victoria, habang naghuhugas ito ng pinggan, kung ano ang problema; pero mainit ang ulo nito at hindi sumagot.

"Hindi ka ba kumakain, Lorenzo?" tanong ko. "Bakit ayaw mong kumain?"

Walang sagot.

"Ayaw mo ba itong ulam?" uminit na rin ang ulo ko. Umiling siya.

"Bakit ayaw mo ng kalabasa? Pampalinaw ng mata ang kalabasal Bakit ayaw mo?"

"Bawal...po...sa akin..."

"Huh?" napatingin ako kay Victoria, bago tumingin ulit kay Lorenzo. "Bakit bawal sa 'yo?"

Sumagot siya pero mahina at hindi ko naintindihan.

"Bakit?" ipinaulit ko.

"May..sakit ako."

"Sakit? Ano? Saan?" Kinapa ko ang leeg niya kung mainit.

"May sakit po ako sa bato.”

Napakunot ang noo ko. Natawa si Victoria. Hindi ko alam kung saan nakahugot ng sagot ang anak ko, pero nakatikim siya sa akin ng palo noong gabing 'yon bago tuluyang naubos ang pagkain.

KABANATA 57

NASA bubong ako ng bahay, nagpipintura, at tinatawag ako ni Victoria mula sa bakuran para bumaba sandali at magmeryenda, nang marinig namin ang mga tawag ni Juliano. Nakita kong namutla si Victoria nang takbuhin ang anak sa loob ng bahay, habang ako naman ay muntik malaglag sa pagmamadaling makababa ng bubong. Halos magkabungguan ang mag-ina sa paghanap sa isa't isa nang magkita sa kusina.

"Inay," natigilan si Juliano nang makita ang pag-aalala ng ina.

"Ano ang nangyari sa iyo? Napaano ka ba? Huh? Ano?" tanong ni Victoria habang kinakapa at iniikot ng tingin ang katawan ni Juliano.

"Inay, pasensiya na po, nakita niyo na po ba itong diyaryo?" iniabot ni Juliano ang hawak niyang peryodiko, pero blangko pa rin ang mukha ni Victoria.

"Saka po ito," ipinakita niya sa kabilang kamay ang ticket ng Sweepstakes na inilapag ko noong isang araw sa ibabaw ng altar. Mabilis kong inagaw ang mga hawak niya at pinagtugma ang mga numero sa dalawang papel. Biglang tumigil ang isip ko. Namalayan ko na lang ang mga sumunod na pangyayari nang magsisigaw si Victoria habang niyayakap ang anak.