Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Mga Uri ng Pagsusulit, Study notes of Literature

study notes for Uri ng Pagsusulit

Typology: Study notes

2023/2024

Uploaded on 10/17/2024

jashnie-abejo
jashnie-abejo 🇵🇭

1 document

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Mga Uri ng Pagsusulit
1. Ayon sa layon
a. Panuring Pagsusulit o Diagnostic Test - ito ay binibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang
kasanayan upang matiyak kung taglay ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-
requisite skills). Ang pagsusulit sa natamong kabatiran sa isang baiting ay maaaring magsilbing
panuring pagsusulit ng kasunod na baiting.
b. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement Test - ang pagsusulit na ito ay batay sa mga
kakayahang itinuro na nakapaloob sa silabus at isa itong pagsusulit na pangwakas. Layunin ng
pagsusulit na ito ay malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral sa mga
layuning itinakda para sa tiyak na panahon.
c. Pagsusulit sa Kahusayan o Proficiency Test - ito ay pagsusulit na naglalayong malaman ang
kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay
niya sa wikang ito.
d. Pagsusulit na Aptityud o Aptitude Test - ito ay nagsasabi kung kakayaning matutunan ng isang
mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang wika.
2. Ayon sa Dami ng Kakayahang Sinusubok
a. Pagsusulit na Discrete Point o Discrete Point - sinusubok nito ang iisa lamang kakayahan sa bawat
aytem. Sa ganitong uri ng pagsusulit, ang wika ay nabubuo dahil sa konteksto. Ang pagsusulit na
discrete point ay dumaan sa mga kritisismo dahil sa mga makabagong pananaw tungkol sa wika
maging sa layunin at komunikatibong kalikasan nito. Hal. Multiple Choice, Fill in the Blanks, atbp.
b. Pagsusulit na Integrative o Integrative - pangkalahatang kakayahan sa paggamit ng wika ang
sinusubok ng pagsusulit na ito. Nilalayon ng pagsusulit na Integrative na masubok ang iba’t ibang
kakayahan ng isang indibidwal sa bawat aytem.
Halimbawa ng Pagsusulit na Integrative:
a) Cloze Test - ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para sa mga
kinaltas na mga salita. Kung ang pagkakaltas ay laging ikalima, ikasampu, o anumang ratio na
napili, ito ay tinatawag na fixed ratio deletion. Kung ang pagkakaltas ay walang sinusunod na
ratio dahil mga pangngalan o mga pandiwa lamang ang kinakaltas, ito ay tinatawag na variable
pf3

Partial preview of the text

Download Mga Uri ng Pagsusulit and more Study notes Literature in PDF only on Docsity!

Mga Uri ng Pagsusulit

1. Ayon sa layon

a. Panuring Pagsusulit o Diagnostic Test - ito ay binibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak kung taglay ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre- requisite skills). Ang pagsusulit sa natamong kabatiran sa isang baiting ay maaaring magsilbing panuring pagsusulit ng kasunod na baiting. b. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement Test - ang pagsusulit na ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na nakapaloob sa silabus at isa itong pagsusulit na pangwakas. Layunin ng pagsusulit na ito ay malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral sa mga layuning itinakda para sa tiyak na panahon. c. Pagsusulit sa Kahusayan o Proficiency Test - ito ay pagsusulit na naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito. d. Pagsusulit na Aptityud o Aptitude Test - ito ay nagsasabi kung kakayaning matutunan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang wika.

2. Ayon sa Dami ng Kakayahang Sinusubok

a. Pagsusulit na Discrete Point o Discrete Point - sinusubok nito ang iisa lamang kakayahan sa bawat aytem. Sa ganitong uri ng pagsusulit, ang wika ay nabubuo dahil sa konteksto. Ang pagsusulit na discrete point ay dumaan sa mga kritisismo dahil sa mga makabagong pananaw tungkol sa wika maging sa layunin at komunikatibong kalikasan nito. Hal. Multiple Choice, Fill in the Blanks, atbp. b. Pagsusulit na Integrative o Integrative - pangkalahatang kakayahan sa paggamit ng wika ang sinusubok ng pagsusulit na ito. Nilalayon ng pagsusulit na Integrative na masubok ang iba’t ibang kakayahan ng isang indibidwal sa bawat aytem.  Halimbawa ng Pagsusulit na Integrative: a) Cloze Test - ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para sa mga kinaltas na mga salita. Kung ang pagkakaltas ay laging ikalima, ikasampu, o anumang ratio na napili, ito ay tinatawag na fixed ratio deletion. Kung ang pagkakaltas ay walang sinusunod na ratio dahil mga pangngalan o mga pandiwa lamang ang kinakaltas, ito ay tinatawag na variable

ratio deletion. Kung may pagpipiliang sagot ang mga mag-aaral, ito ay multiple choice cloze at kung wala naman, ito ay basic cloze. b) Pagsusulit na Idinidikta o Dictation Test - sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan, sa kayarian, maaari ring sa pagbabaybay at sa wastong paggamit ng malalaking titik at ng bantas. Ang ganitong uri ng pagsusulit ay nahahati sa dalawang uri. Una ay ang standard dictation na isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang ididikta. Ikalawa ay ang partial dictation. Binibigyan ng sipi ang mga mag-aaral ng talatang idinidikta, pero may mga kaltas na mga parirala o pangungusap. Pupunan na lamang niya ang mga puwang upang mabuo ang talata.

3. Ayon sa Kakayahan

a. Pakikinig - ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroon itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanggap na tunog, nauunawaan, natatandaan. (a. Pagkilala sa mga tunog (b. Pag-unawa sa pinakinggang teksto b. Pagsasalita - ang pagsasalita ay naka-tinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Ito ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. (a. Pagbigkas ng mga tunog (b. Pakikipag-usap c. Pagbasa - ang pagbasa ay isang pasibong na gawain (passive) at walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mag-aaral at teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral. Nakatuon lamang ang pansin sa pag- aalam kung may natandaan ang mga mag-aaral sa mga detalyeng tinalakay sa akda. (a. Pagkilala at pag-unawa sa mga salita (b. Pag-unawa sa seleksyon (c. Kasanayan sa pag-aaral d. Pagsulat - ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. (a. Pagsulat ng komposisyon (b. Paggamit ng bantas, wastong baybay at malaking titik