Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

MASUSING Banghay aralin, Lecture notes of Literature

LESSON PLAN NG FILIPINO GRADE 7 WEEK 5

Typology: Lecture notes

2023/2024

Uploaded on 04/30/2024

iana-angel-lagmay
iana-angel-lagmay 🇵🇭

1 / 13

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Masusing Banghay-Aralin
Sa Filipino VII
(Pagbasa)
I. Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nahihinuha ang kaalaman at motibo/pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan
2. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan
3. Nakakapagbigay na sariling opinyon tungkol sa mga pangangaral ng isang magulang batay
sa tekstong binasa.
Paksang Aralin
II.
A. Paksa: Nang Maging Mediola Ko ang Internet Dahil kay Mama
B. Sanggunian: Jamero D., Guevarra C., (2019) St. Bernadette Publishing House
Corporation. Pahina 178-183
C. Kagamitan: Aklat ,Laptop, PPT
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag -aaral
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
Ms.Perido maaari mo bang pangunah
an ang panimulang panalangin sa araw
na ito.
2.Pagbati
Magandang Umaga, 7 Jeremiah
Maari na kayong umupo.
(Ang mga mag-aaral ay tatayo at mana
nalangin)
Magandang Umaga din po Bb. Lagma
y!
(Uupo ang lahat ng mga mag -aaral.)
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd

Partial preview of the text

Download MASUSING Banghay aralin and more Lecture notes Literature in PDF only on Docsity!

Masusing Banghay-Aralin Sa Filipino VII (Pagbasa) I. Layunin Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  1. Nahihinuha ang kaalaman at motibo/pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan
    1. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan
    2. Nakakapagbigay na sariling opinyon tungkol sa mga pangangaral ng isang magulang batay sa tekstong binasa. Paksang Aralin II. A. Paksa: Nang Maging Mediola Ko ang Internet Dahil kay Mama B. Sanggunian: Jamero D., Guevarra C., (2019) St. Bernadette Publishing House Corporation. Pahina 178- C. Kagamitan: Aklat ,Laptop, PPT III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng mag -aaral A. Panimulang Gawain 1.Panalangin Ms.Perido maaari mo bang pangunah an ang panimulang panalangin sa araw na ito. 2.Pagbati Magandang Umaga, 7 Jeremiah Maari na kayong umupo. (Ang mga mag-aaral ay tatayo at mana nalangin) Magandang Umaga din po Bb. Lagma y! (Uupo ang lahat ng mga mag -aaral.)

3.Pagtala ng Liban Mayroon bang liban sa ating klase nga yon? Sa unang hanay?, Ikalawang hanay?, Ik atlong hanay? Mabuti naman kung walang liban sa ar aw na ito. B. Panlinang na gawain 1.Balik Aral Bago natin talakayin ang panibagong a ralin natin ngayon., Tayo'y mag balik a ral muna. Ano nga ba o tungkol saan ang ating pinag-aralan noong nakaraang linggo Mahusay! Maari ba kayong magbigay ng kahit isang halimbawa ng salitang hudyat na Simula Tama! Maari mo bang itong gamitin sa pangungusap Maari ba kayong magbigay ng kahit isang halimbawa ng salitang hudyat na Gitna Tama! Maari mo bang itong gamitin sa pangungusap (Sasagot ang bawat hanay ng wala po Ma'am) (Magtataas ng kamay si Catriz ) Ma’am ito po yung Mga salitang hudyat na Simula,Gitna at Wakas. (Sasagot yung bata batay sakanilang opinyon) (Sasagot yung bata batay sakanilang opinyon) (Sasagot yung bata batay sakanilang opinyon)

(Magtataas ng kamay si Nelzen)Ma’am internet Connectio o Wifi po (Magtataas ng kamay si Trixia)Ma’am Twitter po

Paghahawan ng mga balakid

  1. Internet Ang Internet ay isang neologism ng Ingles na nangangahulugang desentralisado na network ng computer na umaabot sa pandaigdigan. Ito ay isang sistema ng mga network na magkakaugnay sa pamamagitan ng iba't ibang mga protocol na nag-aalok ng isang mahusay na pagkakaiba-iba ng mga serbisyo at mapagkukunan, tulad ng, halimbawa, pag-access sa mga file ng hypertext sa pamamagitan ng web. 2. Facebook Ang Facebook ay isang libreng social network na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magkaugnay na makipag-ugnay at magbahagi ng nilalaman sa internet. Ito ay inilunsad noong 2004. Ang nagtatag nito ay Mark Zuckerberg. 3. Computer Games Ang computer games ay isang uri ng libangan, teknolohiya at laro na ginagamitan lamang ng computer. 4. Blogs

isang pandaigdigang network ng computer upang mapadali ang online na komunikasyon. Ito ay isang malaking network ng computer na binubuo ng maraming mga pandaigdigang network ng computer na gumamit ng TCP / IP protocol upang makatulong sa mga aktibidad sa pakikipag-ugnay at data.

8. Mendiola Ang Mendiola ay isang lugar kung saan ang mga tao ay nag papahayag ng kanilang saloobin sa paraan ng pagrarali at demonstrasyon. **Pagganyak na tanong :

  1. Ano-ano ang mga gamit ninyong social media accounts o social media application
  2. Ano ang maaring dulot sainyo sa paglagay o pag post ng isang status sa social media. Pamantayan sa Pagbabasa** Bago tayo magsimula bumasa maari mo bang sabihin Clarence kung anu- ano ang mga pamantayan habang nag babasa. (Ang bata ay sasagot batay sa kanyang sariling opinyon (Ang bata ay sasagot batay sa kanyang sariling opinyon Ma’am ito yung umupo ng maayos,ayusing ang upuan habang nag babasa at gamitin lang ang mata habang binabasa ang kwento

Talakayan Araw-araw iba-iba ang pangyayari sa buhay ng mga kabataan sa paggamit ng internet narito ang ilan sa mga ito : Pananaliksik, Paggamit ng Social Media at Paglalaro ng Online Games. Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama by: Abegail Joy Yuson Lee Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay- bagay na nangyari sa ating paligid. Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano naman kaya ang mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga taong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga simpleng pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila

tungkol sa iyong mga nararamdaman ngayong tag-init." Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang nag- like ngunit may ilan-ilang ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil marami ang nagsabing maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit papaano'y naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong sa iba, hindi ba? Kaya simula noon ay ganap ng natanggal ang mga pag- aalinlangan kong magkomento o magpahayag ng aking mga opinyon, pati ang mga nais kong sabihin ay madalas ko na ring ipinopost sa facebook at twitter. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan sa mga pahayag ni Mama. Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nag-aalangang maghayag ng aking saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita walang diskriminasyong nagaganap sa mundong ito. Lahat ay pwedeng gumamit nito. Bukas kasi sa publiko. Walang pinipiling taong gagamit. Mapabata, estudyante, mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mga tagapag-ulat, manunulat, mga lolo't lola, maging ang mga may kapansanan – sinuman ay mamamangha sa dami ng pakinabang nito. Syempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad ko. Ito ngayon ang paraan ko at ng iba pang kabataan para ipaalam sa lahat ang reaksyon, opinyon, at saloobin namin tungkol sa mga nangyayari sa aming paligid – pamilya, pamayanan, lipunan at mundo. Ang bawat titik na itinitipa namin sa kompyuter ay may mahalagang mensahe. Umaasa kami na mapapansin ang mga ipinopost naming mga blogs sa internet, na kahit sa mundo ng cyberspace ay pwede naming baguhin ang realidad, na maaari naming gawing tama ang ilang mga maling napapansin namin sa paligid, at hindi lang

kami basta-basta nagpapalipas ng oras gamit ito. Alam kong mapatutunayan namin ito. Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming mga kabataan sa pamamagitan ng internet, hindi ba't kami rin naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang mga raliyista sa Mendiola ay nahihirapan na iparating ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak ako na gumagamit din ng internet ang pamahalaan at siguradong mababasa rin nila ang mga blogs na nakapost doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila kung alam kong tama ang ipinaglalaban nila. Lahat tayo'y umaasa na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mga reaksyon at opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at baguhin ang kanilang mga pagkakamali. Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon. Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba't iba naming reaksyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Dito na namin ipino¬-post ang mga naglalakihan naming mga plakards ng reaksyon at hinaing. Dito na namin ipinapakalat ang mga nalilikha naming mga tula, sanaysay at artikulong magbubukas ng isip sa kapwa-kabataan namin. Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pagfe-facebook na lang ang inaatupag ng lahat ng mga kabataan ngayon. Siguro nga'y napapansin na halos 'di kami matinag sa harap ng kompyuter pero hindi naman sa lahat ng oras ay naglilibang lang kami. Dala na rin siguro ng modernisasyon kaya nakasanayan na naming gumamit ng internet para maipahayag namin ang aming mga sarili

  • ang aming mga saloobin, mga pananaw, reaksyon, at mga opinyon. Alam kong may pagkakatong hindi na rin namin makontrol ang aming mga sarili sa paggamit ng internet, at inaamin ko na nagkakamali kami, pero sana'y maunawaan ninyo na sa mga edad
  1. Paano mo ginagamit ang mga applikasyon katulad ng Facebook?
  2. Ano ang natutunan mo batay sa sanaysay na iyong binasa?
  3. Naniniwala ka ba sa motto na binanggit ng ina sa sanaysay? Bakit? IV. Pagtataya
  4. Ano ang nais iparating ng may akda sa nabasang sanaysay?
  5. Ano ang paksa ng sanaysay? V.Takdang Aralin
  6. Gamit ang iyong facebook, magpost ng isang status tungkol sa natutunan sa akda. (10 puntos) (Ang bata ay sasagot batay sa kanyang sariling opinyon)