Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Karapatang Pantao notes, Lecture notes of Sociology

Reviewer for Karapatang Pantao

Typology: Lecture notes

2024/2025

Uploaded on 03/20/2025

juvilet-magbanua
juvilet-magbanua 🇵🇭

1 document

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
MODYUL 1 PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT
KATUTURAN
Ang Pagkamamamayan o
Citizenship
ay
nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng
isang bansa, ayon sa itinatakda ng batas.
POLIS- ang lungsod-estado sa bansang Greece na
binubuo ng mga taong may iisang mithiin.
Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang
pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal sa isang estado. Ito ay tumutukoy sa
pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang
estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay
gumagawa ng karapatan at tungkulin
ANG MAMAMAYANG PILIPINO Sa Artikulo IV, Seksyon 1-
5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng
batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na
mamamayang Pilipino.
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng
Pilipinas:
SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay
ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na
wala nang kinakailangang gampanan ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamayang Pilipino.
SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay
maaaring mawala o muling matamo sa paraang
itinatadhana ng batas.
SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang
pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na
mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang
kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng
batas na nagtakwil ito.
SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng
pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa
at dapat lapatan nang kaukulang batas.
SALIGANG BATAS- legal na basehan ng
pagkamamamayan ng isang ibdibidwal.
MGA PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG
PILIPINO
1.Jus Sanguinis ay naaayon sa dugo o
pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa
kanila.
NATURAL BORN- ang mamamayan na katutubong
inaanak ng Pilipinas.
2. Jus Soli ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng
kanyang kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng mga magulang.
PAANO MAIBABALIK ANG PAGKA-PILIPINO?
Naturalisasyon ay paraan ng pagtanggap ng
bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng
karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
Repatriation ang tawag sa kusang pagbabalik ng
isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa
pagkatapos na mabawi ang kanilang
pagkamamamayan. (
expatriation-
o kusang
pagtalikod sa pagkamamamayan)
Aksyon ng Kongreso pagtugon ng Mababang
Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para
maging isang mamamayang Pilipino.
Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa
Sandatahang Lakas ng bansa ang paraang ito ay
kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa
pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin
lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang
pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.
Kahalagahan Ng Pakikilahok Ng Mga Mamamayan
Sa Gawaing Pansibiko at Gawaing Politikal
Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging mabuting
mamamayan ng bansa. Bawat mabuting mamamayan
ay nararapat na makibahagi sa mga iba’t ibang gawaing
pansibika at gampanan ang kanyang mga responsibilidad
upang matamo ng bansa ang minimithing pag-unlad. May
responsibilidad at obligasyon ang bawat tao sa
komunidad.
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang
Aktibong Mamamayang Nakilalahok sa Gawaing
Pansibiko
MAKABANSA Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng
isang aktibong mamamayan ang pagiging makabansa.
Tungkulin ng bawat isa sa atin na sikaping isulong ang
pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa.
Ang isang mamamayang makabayan ay:
a. Tapat sa Bansa
b. Handang Ipagtanggol ang Estado
c. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga
batas ng Pilipinas
d. Nakikipagtulungan sa Gobyerno
e. Pagtangkilik sa Sariling Produkto
f. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at
mga Suliranin na ating Kinakaharap
pf3

Partial preview of the text

Download Karapatang Pantao notes and more Lecture notes Sociology in PDF only on Docsity!

MODYUL 1 PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT

KATUTURAN

Ang Pagkamamamayan o Citizenship ay

nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa , ayon sa itinatakda ng batas. POLIS - ang lungsod-estado sa bansang Greece na binubuo ng mga taong may iisang mithiin. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin ANG MAMAMAYANG PILIPINO Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino. SEKSYON 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas: SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino. SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas. SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito. SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang kaukulang batas. SALIGANG BATAS- legal na basehan ng pagkamamamayan ng isang ibdibidwal. MGA PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO 1.Jus Sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. NATURAL BORN - ang mamamayan na katutubong inaanak ng Pilipinas.

2. Jus Soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang. PAANO MAIBABALIK ANG PAGKA-PILIPINO?Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.  Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang

pagkamamamayan. ( expatriation- o kusang

pagtalikod sa pagkamamamayan)  Aksyon ng Kongreso – pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino. Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa – ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila. Kahalagahan Ng Pakikilahok Ng Mga Mamamayan Sa Gawaing Pansibiko at Gawaing Politikal Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging mabuting mamamayan ng bansa. Bawat mabuting mamamayan ay nararapat na makibahagi sa mga iba’t ibang gawaing pansibika at gampanan ang kanyang mga responsibilidad upang matamo ng bansa ang minimithing pag-unlad. May responsibilidad at obligasyon ang bawat tao sa komunidad. Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong Mamamayang Nakilalahok sa Gawaing Pansibiko MAKABANSA Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan ang pagiging makabansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin na sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa. Ang isang mamamayang makabayan ay: a. Tapat sa Bansa b. Handang Ipagtanggol ang Estado c. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas d. Nakikipagtulungan sa Gobyerno e. Pagtangkilik sa Sariling Produkto f. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at mga Suliranin na ating Kinakaharap

MAKATAO Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba. PRODUKTIBO Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na paraan. Ginagampanan nito ang kanyang tungkulin nang mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa. MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI Ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani sa paglaban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapones upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na dayuhan. MAKASANDAIGDIGAN Ang makasandaigdigang mamamayan ay mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo. Palagi nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.

MODYUL 2: KARAPATANG PANTAO

539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kanyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. - Nakatala ito sa isang baked clay cylinder na tanyag sa tawag na “ Cyrus Cylinder .” - Tinagurian ito bilang “World’s First Charter of Human Rights.” 1215, sapilitang lumagda si John I , Hari ng England , sa Magna Carta , isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga England.

  • Karapatan ng mga balo (widow) na magmay-ari at makapili na hindi na muling mag-asawa. - Makatwirang proseso (due process) sa pagdinig ng kaso at pagkapantay-pantay sa mata ng batas. Ang Petisyon ng Karapatan (Petition of Rights) - Sa pangunguna ni Edward Coke , ipinadala ng English Parliament kay Haring Charles I ng England ang Petisyon ng Karapatan noong 1628. 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Rights na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament , pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan , at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika (1776) Isinulat ito ni Thomas Jefferson. - Nakapaloob dito ang kalayaan ng 13 kolonya mula sa British Empire.
  • Pagbibigay karapatan sa indibidwal at karapatan sa rebolusyon. 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang Batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. - Ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. Ang Unang Konbensyon sa Geneva 1864 (The First Geneva Convention) , ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng Amerika sa Geneva, Switzerland.
  • Layunin nito na isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon. Noong 1948 , itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt , asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika. Sa naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights. Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang “ International Magna Carta for all Mankind .” Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mga mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural. Ang Kalipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.

Ang Karapatang pantao ay ang mga karapatan na

tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.

⚫ NATURAL

  • mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.

Halimbawa: karapatang mabuhay at magkaroon ng ari-

arian.

⚫ CONSTITUTIONAL RIGHTS

  • mga karapatang ipinaloob at pinangalagaan ng Estado. Mga uri ng Constitutional Rights