Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

humanidades notes filipino, Lecture notes of Humanities

basta notes sa fildis tapos humanidades yung topic

Typology: Lecture notes

2024/2025

Uploaded on 04/06/2025

crisha-juliette-dela-cruz
crisha-juliette-dela-cruz 🇵🇭

1 document

1 / 9

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Sa pagdaan ng panahon, ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
ibang disiplina ay yumabong. Ginagamit na ito ng mga mananaliksik
at mga iskolar sa kanilang mga pananaliksik. Maraming mga artikulo
sa iba’t ibang larangan na tumatalakay sa iba’t ibang paksa gamit ang
wikang Filipino.
Ang mga akda sa iba’t ibang disiplina ay may taglay na sariling estilo
at kumbensyon ng paggamit ng wika. Ito ay tinatawag na istandard na
wika. Ito ay wikang ginagamit sa pormal na pagsulat o kabilang sa
pormal na antas ng wika at tumutuon lamang sa iisang varayti kapag
inilalarawan ang mga tunog, salita, at pangungusap.
I. HUMANIDADES
Ito ay may kaugnayan sa sining at kultura na ginagamit sa
pagpapahayag ng saloobin o damdamin, maging ang kanyang
naiisip o nalalaman.
A. SAYAW
Ang sayaw ay isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng
damdamin, ng pag-ibig, ng lungkot, ng galit at ng iba't ibang
masalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng buhay. Ang
mga nakaukit sa pader ng mga yungib sa Ehipto na may 6,000 taon
na ang nakalipas ay nagtala ng kahalagahan ng sayaw sa iba't ibang
pagdiriwang. Katibayan lamang ito na ginagamit ng katutubo ang
sayaw sa kanilang pagpapahayag.
Ang lahat ng mga katutubong sayaw ay may makasaysayang
simula. Ang angkop at likas na tugtugin at kasuotan at
pangkalahatang kasiyahan sa mga panlipunan kapaki-pakinabang
ay matatamo sa mgakatutubong sayaw
Mayaman sa katutubong sayaw ang Pilipinas ngunit hindi ito
nabigyan ng halaga noong una pa lamang. Mabuti na lamang at
sapangunguna ni 'Dr. Jorge Bocobo, dating pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas, naging masigla muli ang
pagpapahalagang ito sa mga katutubong sayaw sa paglatanghal ng
Bayanihan sa iba't ibang panig ng daigdig.
Nahahati sa dalawang pangkat ang katutubong sayaw :
1. Mga Sayaw na naging Kristiyano
Pagtutulad sa mga Ibon Itik-Itik (buhat sa itik)
Kalapati (buhat sa kalapati)
Tinikling (buhat sa ibong-palay na tiniklingna nagsisikap na umiwas sa
bitag na kawayan)
Panliligaw Subli (umiikot-ikot ang lalaki upangipahayag ang kanyang
panliligaw hanggang sa mapasagot niya ang babae)
La Jota Cagayana
Paglalaban Sakuting
Paghahanapbuhay Maglalatik
Pang-aliw Binasuan (tinitimbang ng mananayaw angbasong may
lamang alak sa kaniyang ulo at mga kamay habanggumugulong sa
lapag
Pandanggo sa Ilaw (tinitimbang ng mananayawang mga sinding ilaw
sa Ulo niya't sa likod ng dalawang kamay habangumiindak sa saliw ng
pandanggo)
May impluwensya ng mga Kastila
Rogelia ng Iloko (kasaysayan ito ng malungkot nap ag-iibigan , hindi
matanggap ng babaeang pag-ibig ng binate kahit na iniibig niya ito
dahil ayaw niyang lumabagsa magulang)
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9

Partial preview of the text

Download humanidades notes filipino and more Lecture notes Humanities in PDF only on Docsity!

Sa pagdaan ng panahon, ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina ay yumabong. Ginagamit na ito ng mga mananaliksik at mga iskolar sa kanilang mga pananaliksik. Maraming mga artikulo sa iba’t ibang larangan na tumatalakay sa iba’t ibang paksa gamit ang wikang Filipino. Ang mga akda sa iba’t ibang disiplina ay may taglay na sariling estilo at kumbensyon ng paggamit ng wika. Ito ay tinatawag na istandard na wika. Ito ay wikang ginagamit sa pormal na pagsulat o kabilang sa pormal na antas ng wika at tumutuon lamang sa iisang varayti kapag inilalarawan ang mga tunog, salita, at pangungusap. I. HUMANIDADES  Ito ay may kaugnayan sa sining at kultura na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin, maging ang kanyang naiisip o nalalaman. A. SAYAW  Ang sayaw ay isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ng pag-ibig, ng lungkot, ng galit at ng iba't ibang masalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng buhay. Ang mga nakaukit sa pader ng mga yungib sa Ehipto na may 6,000 taon na ang nakalipas ay nagtala ng kahalagahan ng sayaw sa iba't ibang pagdiriwang. Katibayan lamang ito na ginagamit ng katutubo ang sayaw sa kanilang pagpapahayag.  Ang lahat ng mga katutubong sayaw ay may makasaysayang simula. Ang angkop at likas na tugtugin at kasuotan at pangkalahatang kasiyahan sa mga panlipunan kapaki-pakinabang ay matatamo sa mgakatutubong sayaw  Mayaman sa katutubong sayaw ang Pilipinas ngunit hindi ito nabigyan ng halaga noong una pa lamang. Mabuti na lamang at sapangunguna ni 'Dr. Jorge Bocobo, dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, naging masigla muli ang pagpapahalagang ito sa mga katutubong sayaw sa paglatanghal ng Bayanihan sa iba't ibang panig ng daigdig. Nahahati sa dalawang pangkat ang katutubong sayaw :

1. Mga Sayaw na naging Kristiyano Pagtutulad sa mga Ibon Itik-Itik (buhat sa itik) Kalapati (buhat sa kalapati) Tinikling (buhat sa ibong-palay na tiniklingna nagsisikap na umiwas sa bitag na kawayan) Panliligaw Subli (umiikot-ikot ang lalaki upangipahayag ang kanyang panliligaw hanggang sa mapasagot niya ang babae) La Jota Cagayana Paglalaban Sakuting Paghahanapbuhay Maglalatik Pang-aliw Binasuan (tinitimbang ng mananayaw angbasong may lamang alak sa kaniyang ulo at mga kamay habanggumugulong sa lapag Pandanggo sa Ilaw (tinitimbang ng mananayawang mga sinding ilaw sa Ulo niya't sa likod ng dalawang kamay habangumiindak sa saliw ng pandanggo) May impluwensya ng mga Kastila Rogelia ng Iloko (kasaysayan ito ng malungkot nap ag-iibigan , hindi matanggap ng babaeang pag-ibig ng binate kahit na iniibig niya ito dahil ayaw niyang lumabagsa magulang)

2. Mga Sayaw na Di-Kristiyano MUSLIM – ang mga impluwensiya ng:mga Hindu, Intsik, Arabe at Indonesay mapapansin sa mga sayaw ng Maranao at Maguindanao. Angkanilang sayaw ay nagtataglay ng pagkamahiwaga, mabagal na pagkilosat magagarang kasuotan. Sinasaliwan ng mga gong o kulintang ang kanilang mga imbay. Sua Ku Sua (sayaw ngpag-iisang dibdib sa Sulu) Singkil (higit namasalimuot kaysa Tinikling sapagkat apat na kawayan ang ginagamit atang sumasayaw ay kumakatawan sa isang prinsesa na pinapayungan pahabang 5madamdaming humahakbang sa mga. kawayan) DI-MUSLIM ang mga kauna-unahang mga sayw ay panseremonya ngmga Kristiyano. Iba't iba pa rin ang kanilang mga sayaw, Maypangkasalan, paglilibang,. paghahandog, pagtatanim, pag-aani atpakikidigma. Isa sa sayaw ng mga ito ang tinatawag na Kanyao ng mga Igorot.May iba pa ring mga pagdiriwang ang ibang Igorot. Ang mga Bagobo ay may sayaw na pampagdiriwang na walang sinusunod na mga hakbang, B. AWITING BAYAN  Ito'y mga awiting mula pa sa iba't ibang panig ng ating bansa. Ito a kadalasang inaawit ng mga karaniwang tao tulad ng magsasaka mangingisda o magbuburda. Simpleng awitin na punung-puno damdamin at buhay.  Ang mga awiting bayan ay nasa anyo rin ng tula na may sukat tugtog at indayog at maiikli lamang. Karaniwang inilalarawan nito ang mas pang-araw-araw na gawain ng ating mga ninuno. Ngunit dahil sa mabilis na lakad ng panahon, marami na sa awiting ito ay hindi na natin naririnig sa panahong kasalukuyan.

MGA URI NG AWITING BAYAN

1. Oyayi o hele (lullaby song) awit sa pagpapatulog ng sanggol nakakaantok ang tono at paulit-ulit ang nilalaman ngunit makahulugan. 2. Kundiman (love song) awit sa pag-ibig, awiting punong-puno ng pangarap at kung minsa'y nagtataglay ng malungkot na damdamin. 3. Talindaw (boat song) awit sa pamamangka. 4. Soliranin (rowing song) awit sa pagsasagwan. 5.Diona (nuptial/courtship song) awit sa kasal. 6. Kumintang (war/battle song) awit sa pakikidigma.

c. Nobela o kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw- araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. j. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mitolohiya.

2. Patula o Panulaan (Ingles: poetry) pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. Ang sukat o meter ay ang dami o bilang ng mga pantig ng mga salita sa isang taludtod. Ang tugma o rhyme naman ay ang pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga huling salita sa bawat linya sa isang taludtod. Taludtod o stanza ang tawag sa bawat linya na bumubuo sa tula samantalang saknong naman ang tawag sa grupo ng bawat taludtod. MGA URI NG TULA Tulang Pasalaysay - Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay. Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani. Epiko Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento tulad ng mga nobela, na nakasulat nang patula. Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan sa epiko ay isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan. Mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan ang epiko. Binibigyang halaga rin ng mga tao sa isang lipunan o pangkat ang pangunahing tauhan sa isang epiko. Awit at Korido Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung minsan ay hindi sinusunod. Ito ay karaniwang ginagawa sa ibang bansa tulad ng Europa, Espanya, Gresya, at Pransya. Tulang Pandamdamin o Liriko - Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat. Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa isusulat na tula. Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng makata. Awit Ito ay isang tula na may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labindalawang (12) pantig. Iisa rin ang tugma ng bawat taludtod. Katumbas nito sa kasalukuyan ang awit o mga kantang mayroong liriko. Oda Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento ang oda. Soneto Ito ay isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay naman ito sa kaisipan, diwa ng makata.

FILIPINO SA HUMANIDADES, AGHAM PANLIPUNAN AT

IBA PANG KAUGNAY NA LARANGAN

Magkatulad man bilang mga disiplinang akademiko, magkaiba naman ang dalawa sa pinag-aaralan Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba't ibang larangan. MGA DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga disiplina na matatagpuan sa Agham Panlipunan: Agham Pampulitika (Political Science) - agham panlipunan na nag- aaral sa mga proseso, konsepto at prinsipyong pampamahalaan, at ang mga phenomena sa politika Halimbawa: Philippine Politics: Democratic Ideals and Realities (Jennifer Santiago Oreta and Lydia Yu-Jose) Isang disiplina na sumasaklaw sa iba't ibang aspeto ng pulitika, kabilang ang pamahalaan, mga patakaran, eleksyon, relasyon ng kapangyarihan, at pagsasagawa ng desisyon sa loob ng isang politikal na sistema. Ang Agham Pampulitika ay mahalaga sa pag-unawa sa kung paano gumagana ang mga pulitikal na sistema at institusyon, at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan at sa mga indibidwal. Antropolohiya (Anthropology) - agham panlipunan na nag-aaral sa kalipunan at kabuuan ng mga uri ng pamumuhay o gawain ng mga tao. Halimbawa: “Susumaton: Oral Narratives of Leyte” Edited by Merlie M. Alunan (Ateneo de Manila University Press) Layunin ng antropolohiya na maunawaan at maipaliwanag ang mga pagbabago at pagkakatulad sa mga pamamaraan ng pamumuhay, paniniwala, at kultura ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Ang antropolohiya ay mahalaga sa pag-unawa sa iba't ibang anyo ng tao, kultura, at lipunan. Ito ay nagbibigay ng mga perspektiba at kaalaman na nakakatulong sa pagsusuri ng mga suliraning panlipunan, pagbuo ng mga polisiya, at pagpaplano ng pang-agham na pananaliksik. Ekonomiks (Economics) - agham panlipunan na nag-aaral sa mga negosyo o ekonomiya ng isang bansa, pati na rin ang mga polisiya at hakbang na maaaring tahakin para mapaunlad ang isang bansa. Halimbawa: Isang Pag-aaral Ukol sa mga Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya. Sulating Pananaliksik Bilang Bahagi ng Mithiin ng Guro sa Filipino IV ni Bb. Diane P. Pimentel ng St. Margaret Mary Mount Carmel College Baler Aurora. Ito ay isang disiplina ng agham panlipunan na nag-aaral sa pag-aalok, distribusyon, at paggamit ng mga yaman at mapanganib na pinagkukunan sa loob ng isang lipunan. Layunin ng ekonomiks na maunawaan at maisakatuparan ang mga desisyon na may kaugnayan sa

paggamit ng limitadong mga mapagkukunan upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

  1. Mikroekonomiks: Isa sa mga pangunahing sangay ng ekonomiks na nag-aaral ng pag-aalok, distribusyon, at paggamit ng mga yaman at mapanganib na pinagkukunan sa antas ng indibidwal, bahay, at negosyo. Ang mga konsepto tulad ng suplay at demand, presyo, produksyon, at kompetisyon ay mga pangunahing paksa sa mikroekonomiks.
  2. Makroekonomiks: Nag-aaral ng kabuuang ekonomiya ng isang bansa o rehiyon, kabilang ang pangkalahatang antas ng produksyon, kita, konsumo, at empleyo. Ang mga konsepto tulad ng Gross Domestic Product (GDP), inflation, unemployment, at fiscal policy ay mga pangunahing paksa sa makroekonomiks.
  3. Internasyonal na Ekonomiks Heograpiya (Geography) - agham panlipunan na nag-aaral sa heograpikal na lokasyon ng mundo. Nakapaloob dito ang pag aaral sa lokasyon, klima, topograpiya, lawak, sukat, at likas na yaman ng isang lugar. Halimbawa: Geography and Natural Resources of the Philippines (1997) ni Domingo C. Salita Layunin ng heograpiya na maunawaan ang mga pisikal na katangian ng mundo tulad ng lupa, tubig, klima, at iba pa, pati na rin ang mga tao at kanilang kultura, lipunan, at ekonomiya. Sikolohiya (Psychology) - agham panlipunan na nag-aaral sa isip, diwa, at kilos na mayroon ang isang tao. Dahil sa lawak ng konsepto na nasasakop nito, madalas ay kinikilala ito bilang hiwalay na disipllina sa agham panlipunan. Halimbawa: Tungo sa Isang mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino (2013) ni Jay A. Yacat ng Unibersidad ng Pilipinas Sikolohiyang Pilipino sa Ugnayan ng Pahinungod: Pakikipagkapwa at Pagbabangong-dangal ng mga Pilipino (2013) ni Grace H. Aguiling-Dalisay ng Unibersidad ng Pilipinas Layunin ng sikolohiya na maunawaan ang kaisipan at kilos ng tao sa iba't ibang konteksto, kabilang ang personal na pag-unlad, relasyon, trabaho, edukasyon, at iba pa. SOSYOLOHIYA (SOCIOLOGY) Isang maka-agham na pag-aaral ng tao sa interaksyon o pakikipag- ugnayan ng mga tao sa bawat isa, sa iba't ibang mga kultura, at ang ugnayan ng isang tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Layunin ng sosyolohiya na maunawaan ang mga balangkas, kaayusan, at dinamika ng lipunan, pati na rin ang mga isyu ng kapangyarihan, pagkakapantay-pantay, at pagbabago sa lipunan.