Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Love and Waiting: Hintayan ng Langit and Elise, Papers of History

Two short stories titled 'hintayan ng langit' and 'elise'. 'hintayan ng langit' is a tale of love and loss, where two individuals are separated by fate but reunite in the afterlife. 'elise' is a story of first love and its enduring nature, with twists and turns that keep the reader engaged. Both stories explore themes of love, loss, and the human condition, making them compelling reads.

Typology: Papers

2023/2024

Uploaded on 03/31/2024

julio-grandez
julio-grandez 🇵🇭

2 documents

1 / 15

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
KALIPUNAN NG MGA KRITISISMO
NG IBA’T IBANG PELIKULA
NI: JEROME M. FERNANDEZ
Malikhaing Pagsulat D52
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff

Partial preview of the text

Download Love and Waiting: Hintayan ng Langit and Elise and more Papers History in PDF only on Docsity!

KALIPUNAN NG MGA KRITISISMO

NG IBA’T IBANG PELIKULA

NI: JEROME M. FERNANDEZ

Malikhaing Pagsulat D

Talaan ng Nilalaman

FERNANDEZ, JEROME M. BSED FIL 2 MALIKHAING PAGSULAT TITLE: HINTAYAN NG LANGIT SA DIREKSYON NI: DAN VILLEGAS

i. PANIMULA..................................................................................................................................

Ang kwentong ito ay patungkol sa pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng kapalaran, marami mang naging hadlang sa kanila noong sila ay nabubuhay pa, ngunit sa huli ay muli silang pinagtagpo ng kamatayan, ipinakita rito na bago makarating sa langit ang isang taong namayapa, ay kailangan niya munang dumaan sa gitna o ang waiting area na mas kilala ng marami na purgatory, ito ang lugar kung saan sila maghihintay ng pasya kung sila ba ay maaari ng makaakyat sa langit.

ii. TAUHAN......................................................................................................................................

TOTOONG TAO KARAKTER EDDIE GARCIA MANOLO GINA PAREÑO LISANG MARY JOY APOSTOL YOUNG LISANG JOMARI ANGELES YOUNG MANOLO KAT GALANG BANTAY DOLLY DE LEON MAYOR SUSAN GERALDINE VILLAMIL ALING BABY JOEL SARACHO TAGASURI

iii. TAGPUAN....................................................................................................................................

 WAITING AREA (GITNA) Dito nanatili sila Manolo at Lisang kasama pa ang ibang mga patay habang hinihintay ‘yung pasya mula sa itaas kung maaari na ba silang makaakyat sa langit.  PANTALAN Lugar kung saan magkikita si Lisang at Manolo upang magtanan.

iv. BANGHAY....................................................................................................................................

4.1 SIMULA Si Lisang ay na roon sa waiting area (gitna) ito ang lugar kung saan tumutuloy ang mga patay habang hinihintay nila ang pahintulot na sila ay makakapasok sa langit, matagal na sa lugar na ito si Lisang dahil laging hindi natutuloy ang kanyang pagpunta sa langit kasi pasaway ito, isang serbidora si Lisang sa waiting area. Lingid sa kaalaman ng tigasuri at ng bantay mayroon talagang malalim na dahilan kung silang kung bakit sinasadya niyang magpakapasaway upang huwag siya matuloy sa langit. Isang saradong nilalang at masungit ang ipinapakita ni silang sa mga taong nasa gitna o waiting area isa ito sa paraan niya para hindi mapadali ang kanyang pagalis sa lugar na ito.

4.2 Gitna.....................................................................................................................................

Isang araw ipinatawag ng tigasuri sa Lisang upang ipaalam sa kanya na mayroong isang darating na makakasama niya sa kanyang silid, sabi ng tigasuri huwag siyang magalala at kilala raw nila at malapit sa kanya ang kanyang makakasama. Inihatid ng bantay ang isang matandang lalaki sa silid ni Lisang, ito ang kanyang makakasama na binabanggit ng tigasuri, hindi nakilala ni Lisang ang matanda noong una niya itong makita, ngunit pagdaka’y nagpakilala ang matanda, ito pala ang kanyang iniibig sa lupa noon na si Manolo

“hindi kita nakilala anlaki kasi ng itinanda mo.” Sabi ni lisang kay Manolo, nakadama muli ng pagmamahal ang dalawa sa isa’t isa, sila'y nagkwentuhan sa kanilang silid tungkol sa maraming bagay na nangyari noong sila ay nabubuhay pa, pagkatapos ay ipinasyal ni Lisang si Manolo sa lahat ng sulok ng waiting area sapagkat kumpleto sa susi si Manolo kaya sinamantala ito ni Lisang dahil gusto niyang magpunta sa lugar o silid na may party.

4.3 Kasukdulan............................................................................................................................

Ipinapanood ni Lisang kay Manolo ang isang video clip ng mga pangyayari noong sila ay magkarelasyong sa lupa, noong panahong iyong si Manolo ay nagpunta sa Cebu upang magtrabaho isa’t kalahating taon itong nawala ni walang paramdam si Manolo kay Lisang, binanggit ni Lisang na nagpapadala ito ng sulat kay Manolo ngunit wala raw itong natatanggap. Usap usapan din sa kanila na may ibang karelasyon si Manolo sa Cebu kaya inakala ni Lisang na wala na itong hihintayin na Manolo, kaya’t umibig si Lisang kay Nestor at nabuntis ito. Noong dumating si Manolo sa kanilang lugar ay nakipagkita si Lisang sa kanya iyon yung araw na magpapaalam na si Lisang kay Manolo dahil magpapakasal na si Lisang kay Nestor sapagkat buntis na siya, nagalit si Manolo, ngunit dahil mahal niya si Lisang ay inaya niya ito na makipagkita sa pantalan kinabukasan upang sila’y magtanan. Kinaumagahan nagpunta si Lisang sa kanilang tagpuan ngunit wala naman si Manolo at noong hindi na niya ito mahintay ay umalis na siya at ‘yun naman ang oras ng pagdating ni Manolo, hindi na nagkita ang dalawa mula ng araw na iyon. Umiiyak si Lisang habang pinapanood nila at ipinaliliwanag kay Manolo ang mga pagyayaring ito.

4.4 Kakalasan..............................................................................................................................

Humingi ng tawad sa isa’t isa ang dalawa at inaming pareho silang may kapabayaan at pagkukulang, sinabi na rin ni Lisang ang tunay na dahilan kung bakit siya nanatiling matagal sa waiting area, sinabi ni Lisang na sinadya niya itong gawin dahil hinihintay niya talaga si Manolo “baka sabihin mo hindi nanaman kita hinintay” sabi ni Lisang, bakas sa kanilang mga mukha na mahal pa rin nila ang isa’t isa.

4.5 Wakas....................................................................................................................................

Dumating na ang araw na aakyat sa langit si Lisang, ang totoo ayaw ma niyang umalis kasi hindi niya maiwan si Manolo, habang nag-iimpake ng mga gamit si Lisang para sa kanyang pag-alis niyaya siya ni Manolo na sumayaw sila sa huling pagkakataon, hindi na nila napigilan ang kanilang damdamin dahil sa labis na pagmamahal nila sa isa’t isa, dahil sa matinding pag-iibigan na hindi na mapigilan umalis ang dalawa at bumalik sa lupa upang doo’y muling magmahalan. V. TEORYA Teoryang Romantisismo Para sa akin ito ay Teoryang Romantisismo dahil ginawa ni Lisang ang lahat mahintay lang si Manolo sa waiting area, Pinili niyang manatili dito dahil ayaw niyang baka sabihin muli ni Manolo na hindi niya ito hinintay, ganito ang damdamin at pagmamahal ni Lisang kay Manolo.

4.2 GITNA Isang araw habang nagtatalumpati si Ramon sa paaralan ng San Martin ay nakatanggap ng si Ramon ng isang balita, ang kaniya raw matalik na kaibigan na si Fredo ay may taning na ang buhay dahil sa taglay nitong karamdaman. Si Fredo ay matalik na kaibigan din ni sylvia dahil tulad niya si Fredo ay isang guro at principal. Matapos malaman ni Ramon ang balita tungkol sa kanyang kaibigan ay walang pag-aatubili niyang iniwan si Sylvia sa kanilang bahay upang tumira sa bahay ni Fredo para maalagaan ang kanyang kaibigan.

4.3 Kasukdulan............................................................................................................................

Hindi nagustuhan ng tatlong anak ni Ramon ang ginawa nito na iwan ang kanilang Ina, kaya nagpasya si Emman, Georgina at Marife na magtungo sa bahay ng kanilang Ninong Fredo upang kumbinsihin ang Ama na umuwi na dahil maaari namang bisitahin ni Ramon si Fredo araw-araw kung gugustuhin nito, basta umuwi lang siya sa bahay para sa kanilang Ina na si Sylvia. Dito ipinagtapat ni Ramon ang totoo sa kanyang mga anak na mahal niya si Fredo hindi bilang kaibigan, kundi mahal niya ito tulad ng pagmamahal niya kay Sylvia, nagulat ang kanyang mga anak sa kanilang mga narinig, hindi nila nakumbinsi ang kanilang Ama na umuwi, para kay Georgina isang kahihiyan ito para sa kanilang pamilya na kung kailan tumanda ang kanilang Ama saka ito nagladlad. Mula noon ay nagkagulo na ang kanilang pamilya, isang araw may kumalat na scandal video si Emman na ikinasira ng kanyang repotasyon at pamilya, dahil sa nangyari iniwan si Emman ni Merly na kanyang asawa, ikinagalit ni Georgina ang ginawa ng kanyang kuya Emman dahil isa nanaman itong malaking kahihiyan para sa kanilang pamilya. Habang tinutulungan ni Marife si Merly minasama ito ng kuya niyang si Emman, sinabi nito kay Marife na mas pinalalala niya ang sitwasyon para hindi sila magkaayos na mag-asawa kaya sinigawan at inaway niya ang kanyang bunsong Kapatid na si Marife. Napakagulo ng kanilang pamilya sa mga panahong iyon, kahit si Georgina at Marife ay nag-aaway na rin. Hindi na alam ni Sylvia kung ano ang kanyang gagawin sa mga anak lalo na’t wala ang kanyang asawa na dapat ay katuwang niya sa pagsasaayos ng gulo ng kanilang mga anak. Habang umiiyak si Sylvia ay naroon ang kanyang bunsong anak na si Marife, ikinuwento ng kanyang Ina na matagal na niyang alam na may relasyon si Fredo at Ramon ngunit dahil mahal niya ang asawa at ang kaibigang si Fredo pikit mata niya itong tinanggap, awang awa si Marife sa kanyang Ina.

4.4 Kakalasan..............................................................................................................................

Nagpunta si Sylvia sa bahay ni Fredo upang kausapin ang asawa para ayusin ang problema ng kanilang mga anak, kaya nagpunta sila sa opisina ng anak nilang si Georgina upang kausapin itong magpakumbaba at ayusi ang alitan nilang magkakapatid, hindi nabigo ang mag-asawa at nagkaayos-ayos ang kanilang mga anak. Nagkaroon ng party si Georgina bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan, dumalo ang kanyang mga kapatid na si Marife at Emman, naroon din sa parti si Merly kaya dito na sila nagkaayos ni Emman. Dumating din sa party si Ramon, Fredo at Sylvia, ngunit nagalit si Ramon nang utusan ni Georgina ang serbidora na sa likod paupuin si Fredo, dahil ang gusto ni Ramon ay magkatabi sila ni Fredo. Dahil sa galit ay umalis si Ramon kasama si Sylvia at fredo.

4.5 Wakas....................................................................................................................................

Kinabukasan ay pumanaw si Ramon, labis itong ikinalungkot ng pamilya, pagkatapos mailibing si Ramon, ay si Sylvia naman ang nagpunta sa bahay ni Fredo upang alagaan ito na tulad ng ginawa ng kanyang asawa. Napakabuti ng puso ni Sylvia at mula noon siya na ang nag-alaga sa kaibigang si Fredo.

V. TEORYA Teoryang Queer at Teoryang Romantisismo. Dahil tulad ng sinabi ni Ramon sa kanyang tatlong anak na “mahal ko ang Ninong Fredo Ninyo tulad ng pagmamahal ko sa inyong Ina” nagmahal si Ramon ng dalawang tao ‘yun ay si Sylvia na kanyang asawa at si Fredo na kanyang kaibigan, hindi inisip ni Ramon ang kahit anong sasabihin ng tao, ang mahalaga sa kanya ay mahal niya ang dalawa si Sylvia at Fredo.

4.2 Gitna..............................................................................................................................10/

Ikinuwento ni Bert na naging magkasintahan sila ni Elise noong sila’y mga bata pa, laging ipinagtatanggol ni Elise si Bert kapag ito ay tinutukso ng ibang mga bata. Isang araw kailangan na nila Elise lumipat ng tirahan, kaya nagpaalam na ito kay Bert, noong makasakay si Elise sa jeep Sumigaw ito kay Bert ng “break na tayo!”. Lumipad ang panahon at si Bert ay nasa tamang edad na ay nagkaroon ito ng jowa sa katayuhan ni Rita na isang nurse, masaya ang dalawa sa kanilang relasyon ngunit kalauna’y naghiwalay rin ang dalawa dahil ipinadala si Rita ng kanyang mga magulang sa America.

4.3 Kasukdulan..........................................................................................................................

Dinala ni Gian si Bert sa grupo na kanyang kinabibilangan upang maaliw si Bert sa nangyaring paghihiwalay nila ni Rita, subalit doon pala niya ulit makikita si Elise, dahil ang kasalukuysang leader ng grupo nila Gian na si Ivan ay ang kasintahan ni Elise. Mahilig ang grupong ito sa gimik at mga inuman, masamang impluwensya si Ivan kay Elise, isang araw, nalaman ni Elise na niloloko siya ni Ivan kaya pumunta ito kay Bert para masabi niya yung nararamdaman niya. Umiiyak si Elise dahil sa nangyari, nagalit si Bert at pinagsabihan si Elise na huwag itong magpakatanga dahil niloloko lamang siya ni Ivan, kalaunan muling nagkamabutihan si Elise at Bert dahil sa madalas nilang pagkikita at pagsasama, ngunit ayaw ng mga magulang ni Elise si Bert, kaya itinago ng dalawa ang kanilang relasyon. Noong magkaroon ng lakas ng loob si Bert ay itinanan niya ito at sila ay nagpakasal. Noong makarating si Bert at Remy sa bahay na tinutuluyan ng batay nasaksihan mismo ni Bert kung paano pagmalupitan si Remy ng kanyang tiyuhin. Sinubukang ipagtanggol ni Bert ang bata ngunit pati siya ay nabugbog. Isang araw dumating ang matinding pagsubok kay Bert, ‘yun ay ang pagpanaw ng kanyang Ina dahil mayroon pala itong malubhang karamdaman na hindi niya ipinapaalam.

4.4 Kakalasan............................................................................................................................

Naging masaya ang pagsasama ni Elise at Bert, at nagtratrabaho sila sa isang kumpanya, mahilig sa ice cream si Elise at Bert, kaya naisipan nilang gumawa ng ice cream sa sariling bersyon ni Elise. Sinubukan ni Bert na ibenta sa opisina ang mga ice cream na gawa ni Elise at ito naman ay nagustuhan ng lahat maging ng kanilang boss, hindi naglaon nagresign ang mag-asawa at Sinubukang magtayo ng Negosyo at iyun ay ang ice cream, naging magtagumpay ang Negosyo nilang ito. Hindi nagtagal may mga nag invest na sa kanila. Kalaunan nagdalang tao si Elise, tuwang tuwa silang mag-asawa dahil magkaka- anak na sila, ngunit mapanganib ang pagbubuntis ni Elise na maaaring magsapanganib sa kanyang buhay.

4.5 Wakas..................................................................................................................................

Noong manganak si Elise ay namatay ito at ang bata, halos gumuho ang mundo ni Bert ng mga panahong iyun dahil sa nangyari sa kanyang asawa at anak, araw-araw niyang inisip si Elise kahit saan siya magpunta. Hindi niya lubos matanggap ang nangyari. Matapos ikwinento ni Bert ang kanyang buhay, isinama nito ang batang si Remy sa bahay nila Elise upang ibalik sa mga magulang nito ang music box ni Elise. Si Bert na ang kumupkop sa batang si Remy.

v. TEORYA.......................................................................................................................................

Teoryang Historical at Teoryang Romantisismo Dahil ikwinento ni Bert ang kanyang talambuhay sa batang si Remy at ang naging paksa ng kanyang kwento ay tungkol sa wagas niyang pag-ibig kay Elise.

FERNANDEZ, JEROME M. BSED FIL 2 MALIKHAING PAGSULAT TITLE: THE LOST VALENTINE SA DIREKSYON NI: DARNELL MARTIN

i. PANIMULA..................................................................................................................................

Ang THE LOST VALENTINE ay isang kwento ng pag-ibig, si Caroline ay umibig sa isang piloto na si lieutenant Neil Thomas, masaya ang dalawa sa kanilang pagsasama, hindi maiwasan mangamba ni Caroline sa tuwing aalis ang asawa na si lieutenant Neil Thomas dahil ang buhay ng isang piloto ay walang kasiguraduhan sa oras na ito ay sumabak sa digmaan.

ii. TAUHAN......................................................................................................................................

TOTOONG TAO KARAKTER BETTY WHITE CAROLINE THOMAS BILLY MAGNUSSEN LIEUTENANT NEIL THOMAS SEAN FARIS LUCAS THOMAS JENNIFER LOVE HEWITT SUSAN ALLISON MEGHANN FAHY YOUNG CAROLINE THOMAS NADIA DAJANI JULIE OLIVER HELMAR AGUSTUS COOPER JOSEPH WILLIAMS WILL CHASE ANDREW HAWTHRONE MIKE PNIEWSKI CRAIG TOM NOWICKI GLENN BILLINGS GIL GERARD NEIL THOMAS JR. RON CLINTON SMITH WESTERN UNION MAN GREGORY ALLAN WILLIAMS CHAPLAIN RICHARD BADY JUSTINE GEER JEFF BILLINGS JUSTINE WHEELON ARMY SOLDIER VICTORIA LOVING MAGGIE THOMAS

iii. TAGPUAN....................................................................................................................................

 Bahay ni Caroline  Union Station

iv. BANGHAY....................................................................................................................................

4.1 Simula...................................................................................................................................

Si Caroline at Lt. Neil ay nagkakilala at ikinasal noong taong 1943, masaya ang dalawa at handa ng bumuo ng kanilang pamilya, lumipat sila sa bago nilang bahay, inayos at inihanda nilang mabuti ang bahay na iyon nagtanim sila ng mga halaman at bulaklak sa kanilang bakuran at ang isa sa mga itinanim ni Lt. Neil ay ang pulang rosas sa gilid ng hagdan ng kanilang bahay. Punong puno ng pag-big ang dalawa sa isa’t isa.

4.2 Gitna.....................................................................................................................................

Isang araw si Lt. Neil ay nakatakda ng umalis dahil sa tawag ng kanyang tungkulin, ikinalungkot ito ni Caroline, sinulit na nila ang araw na magkasama silang dalawa, at noong Inihatid na ni Caroline si Lt. Neil sa Union Station isang mahigpit na yakap ang pabaon nila sa isa’t isa, binigyan ni Caroline si Lt. Neil ng sulat bilang tanda ng kanyang pagmamahal sa asawa. Noong Paalis na ang train ay naalala ni Lt. Neil ang sulat niya para kay Caroline, kaya hinabol at sinilip niya ito sa bintana ng train at iniabot ang sulat niya para sa asawa, dahil noong araw na iyon ay Valentine’s Day. Buntis na si Caroline nang mga panahong iyon.

FERNANDEZ, JEROME M. BSED FIL 2 MALIKHAING PAGSULAT TITLE: REVIRGINIZED SA DIREKSYON NI: DARRYL YAP

i. PANIMULA..................................................................................................................................

Ang pinapaksa ng pelikulang ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Carmela na maagang nabuntis dahil sa isang pagkakamali, pinanagutan naman siya ng nakabuntis sa kanya na si Bart ngunit after 36 years ng kanilang pagsasama ay iniwan siya ni Bart dahil nakahanap ito ng iba.

ii. TAUHAN......................................................................................................................................

TOTOONG TAO KARAKTER SHARON CUNETA CARMELA MARCO GUMABAO MORPH ALBERT MARTINEZ BART KYLIE VERSOSA CZARINA ROSANNA ROCESS GIRLIE CRISTINA GONZALES CHARLOTTE OGIE DIAZ MEDIATOR ROSE VAN GINKEL JEN ABBY BAUTISTA CHESKA MARION AUNOR LIZ JOBELYN MANUEL BEVERLY DENNIS ADRIANO DJ sa Party PAULA PALOMATA DALAGANG CARMELA LOREN MARIÑAS DALAGANG GIRLIE CARLA DEL ROSARIO DALAGANG VERGIE NEIL VILLANUEVA BINATANG BART

iii. TAGPUAN....................................................................................................................................

 BEACH

iv. BANGHAY....................................................................................................................................

4.1 Simula...................................................................................................................................

Nagkita si Carmela at Girlie upang humarap sa asawa ni Carmela na si Bart kasama ang isang Mediator upang pagusapan ang kanilang annulment, dito nagsalita si Bart na h’wag na niyang ipilit pa ang sarili ni Carmela kay Bert, “total malalaki na ang mga anak natin maiintindihan na nila, ito na yung kinakailangan mo na pagtakas” saad ni Bert. Umiiyak si Carmela at umalis,

4.2 Gitna.....................................................................................................................................

Noong makaalis, habang nagmemeryenda si Carmela sa isang tindahan ay may lumapit sa kanyang dalaga na ang pangalan ay Beverly, inuutusan ni Beverly si Carmela na bumili ng alak kapalit ng 500, nagalit si Carmela at pinagsabihan ang dalaga na ikakapahamak niya ito, tinawag ni Carmela ang dalaga para puntahan ang mga kasama nito at dito niya nakita si Cheska na kanyang inaanak, pinagsabihan ni Carmela si Cheska, “alam mo ba, may 5000 akong ambag dito! Tama nga ang Ninang Girlie mo hindi mo, gagamitin mo lang ito para maggala” sabi ni Carmela sabay pinakuha ang cellphone kay Beverly na binansagang Lebron ni Carmela upang tawagan si Vergie na Nanay ni Cheska, nagpaliwanag si Cheska hanggang sa nabanggit niya an “ito na ang kinakailangan kong pagtakas Ninang” ibinaba ni Carmela ang cellphone at ipinaulit ang sinabi ni Cheska na “ito na ang kinakailangan

kong pagtakas” naalala ni Carmela na ‘yun din ang sinabi ni Bart sa kanya noong magharap sila sa Mediator, hindi na tinawagan ni Carmela si Vergie kapalit ng kasunduan nila ni Cheska na sasama siya sa beach party nila.

4.3 Kasukdulan............................................................................................................................

Isinama nga nila Cheska ang kanyang Ninang Carmela sa party, hindi nagustuhan ni Carmela ang ginagawa ng mga kabataan sa party ni Cheska dahil puro pagiinom ang ginagawa nila at may mga malalaswa pa na ginagawa ang mga ito. Habang pinapanood ni Carmela ang mga kabataang nagiinuman at nagpapakasasa sa paginom ng alak ay naaalala niya ang mga sandaling ginagawa niya rin ito na siyang dahilan kung bakit siya nabuntis ng maaga. Noong malasing si Beverly ang kaibigan ni Cheska kinuha ito ni Carmela upang pigalan ang pagiinom nito dahil hindi na niya kaya, “talagang ganyan lang ‘yan Ninang” sabi ni Cheska, ngunit ipinilit pa rin ni Carmela itigil na ang paginom, nainis si Cheska sa sinasabi ng kanyang Ninang Carmela kaya sinabihan niya itong itigil na ang pagiging “saviour syndrome” sinabi raw ng Nanay ni Cheska at ng Ninang Girlie nito na dati ng ganon ang kanyang Ninang Carmela na lagi niyang kailangan lutasin ang problema ng iba kahit hindi naman kailangan, ang galing-galing magpayo pero pagdating sa sarili hindi magawa banggit ni Cheska, nasaktan si Carmela sa mga narinig at humingi ng tawad, pagkatapos ay nagpunta si Carmela sa dalampasigan at doon inilabas ang lahat ng mga hinanakit nito. Dito niya napagtanto na hindi na nga niya dapat unahin pa ang iba at ang dapat niyang unahin ay ang sarili niya. Dito niya nakita si Morph na nasa likod niya habang umiihi ito, sa gulat ni Carmela ay tumakbo ito. Kinabukasan kinausap siya ni Cheska at Beverly para makalimot naman si Carmela sa mga problema nito, tutulungan nila si Carmela ng magbalik alindog at tinawag nila itong REVIRGINIZED. Nakisalamuha si Carmela sa mga kabataan at sinubukan ang lahat ng mga ginagawa nila, dito nakilala na niya si Morph na isang tattoo artist ang lalaking nakita niya sa dalampasigan, magkasama sila ni Morph na ginawa ang mga bagay sa party na nagbigay saya kay Carmela, may pagtingin na si Morph kay Carmela.

4.4 Kakalasan..............................................................................................................................

Isang gabi noong malasing si Carmela habang nasa loob sila n g kotse inilabas niya kay Morph lahat ng bigat na nararamdaman ni dahil sa paghihiwalay nila ni Bart, naalala kasi ni Carmela yung sinabi ni Morph na “dito ka lang babalik rin ako”, sinabi rin kasi ito ni Bart noon sa kanya, iyak ng iyak si Carmela nang gabing iyon, dumating si Cheska at ang mga kaibigan niya at doon nila nasaksihan kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ng kanyang Ninang Carmela, sa inis ni Morph, ipinatulak ni ang kanyang kotse kay Carmela mula sa dalambasigan hanggang sa tubig ng dagat upng makalimot na ito sa mga nangyari, “itulak mo Carmela, diyan mo ibuhos lahat ng galit mo para mawala na” wika ni Morph sabay tawag sa mga kasamahan nila upang tulungan si Carmela na itulak ang kotse. Noong maitulak nila ang kotse kasabay ng paglubog nito sa dagat ay naibsan ang lungkot at pagiyak ni Carmela, at naging masaya na ito at naenjoy ang pagsama sa beach party nila Cheska, Kinaumagahan ay nagsuot sila ng puti dahil sa huling gabi nila sa beach ay hindi na sila pwedeng uminom pa para maging ligtas ang kanilang paguwi.

4.5 Wakas....................................................................................................................................

Tinanong ni Morph kung pwede na ba niyang ligawan si Carmela at sumagot naman si Carmela ng oo, habang naguusap ang dalawa ay ipinakita ni Morph kay Carmela ang litrato ng kanyang Ina, at ito pala ang kabit ng asawa ni Carmela na si Bart, gayon pa man naging masaya pa rin si Carmela. Dumating sa beach ang anak ni Carmela na si Czarina na isa ng abogado.

v. TEORYA.......................................................................................................................................

Teoryang Realismo Dahil napagtanto ni Carmela na hindi na nga niya dapat unahin pa ang iba at ang dapat niyang unahin ay ang sarili niya.